Nagmamadaling pinasakay ni Elizabeth sila Eric at Jigs. Nakasuot pa ng pang-ospital si Eric kaya naman nagpalit muna siya ng damit habang nagmamaneho si Elizabeth papunta sa ospital kung nasaan si Marie. Panay ang tingin ng modelo sa orasan at nanginginig ang mga kamay nito habang nagmamaneho. Hindi niya sigurado kung ligtas ba itong ginagawa niya o hindi. Pero isa lang ang sigurado niya, ginagawa niya ang tama. Binilisan pa ni Elizabeth ang pagpapatakbo sa sasakyan. Hindi rin niya alam kung bakit niya ginagawa ito para kay Marie kung maaari naman na niyang itakas na lang si Eric. Pero muli, ito ang sa tingin niyang tama. Ipinapangako niya sa sarili na sisikaping gawin lagi ang tama. “Paano natin ilalabas si Marie?” tanong ni Eric sa dalawang kasama. “Siguradong pinalitan na rin ng mga t

