Papasikat na ang araw at hindi na agad maganda ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan at naipit sa gitna ng EDSA sila Marie. Lumipat si Marie sa tabi ng upuan ng driver matapos gumamit ng palikiran sa isang gasulinahan. Pero magmula noon ay hindi na sila nagkibuan ni Elizabeth. Ang mga nag-presenta namang magbantay sa kanya ay hindi na kinaya ang pagod at antok. Kaya namahinga muna sila sa likuran ng sasakyan. Hinayaan na lang sila nila Marie dahil mahalaga rin naman na makapagpahinga sila. Tinitigan ng palihim ni Marie si Elizabeth. Hindi ito ang hitsura ng Elizabeth na una niyang nakita at nakausap. Wala na ang kompyansa na kitang-kita sa mga mga mata nito noon. At ang nanalaytay sa mukha nito ngayon ay pagod at pag-aalala. Gustong magpasimula ni Marie ng usapan pero hindi niya alam kung

