Sa isang sulok sa parking area dumeretso si Marie. Hindi niya alam kung saan siya tatakbo. Hindi niya alam kung bakit siya tumakbo at hindi niya maintindihan kung bakit sobra ang sakit na naramdaman niya. Napahiya siya sa harap ng maraming tao pero mas masakit na makita na nakipaghalikan si Eric sa fiancé nito. Umupo siya sa gilid ng isang malaking sasakyan at doon ay inilabas niya ang sakit na nararamdaman. Hindi alam ni Marie na agad siyang sinundan ng matangkad na lalaki na kumausap sa kanya kanina. Inalok pa siya nito ng magagamit na panyo kanina pero agad din niyang tinanggihan. Palinga-linga ang mahitsura at morenong binata. Bagay na bagay rin ang makisig nitong katawan sa tangkad nito. At nang marinig niya ang pag-iyak ni Marie ay agad niya itong pinuntahan. Kitang-kita sa biluga

