Magtatakipsilim na. Nagsisimula ng lumubog ang araw at payapa itong pinagmamasdan ni Marie habang naka-upo sa pino at puting buhangin. Dahil sa ganda ng tanawin na nakikita ay panandalian niyang nakalimutan na stranded nga pala siya sa isang isla, kasama ang isang arogante at may pinagdadaanang binata.
Humiga siya sa buhanginan at napabuntong hininga. Ang totoo, nanghihina na siya dahil sa uhaw at gutom. Sinubukan niyang kumuha ng mga prutas pero hindi siya marunong umakyat ng puno. Ayaw naman niyang kausapin si Eric na abala sa paggawa ng matutulugan at baka mabulyawan nanaman siya. Isa pa, baka may masabi pa siyang lalong ikakagalit ng binata. At ayaw niyang mangyari ‘yon. Alam niya kasing may pinagdadaanan na kung ano ang binata. Ayaw niyang makialam doon pero sa kabilang banda, gusto niyang malaman kung bakit naging ganoon na lang ang reaksyon ng binata.
“Ito, inumin mo tapos bibiyakin ko para makain 'yong laman,” sabi ni Eric na may dalang dalawang buko. Nagulat si Marie nang marinig ang binata at biglang napa-upo.
“Ah, ayaw ko,” nauutal pang tanggi ni Marie. “Hindi naman ako nauuhaw o nagugutom. Salamat na lang,” nahihiyang dugtong ng dalaga na ‘di man lang tinignan ang binata.
“Kunin mo na 'to. Tuyo na ang mga labi mo at namumutla ka na,” sabi ng binata sabay lapag ng buko sa tabi ni Marie. “Sorry, kanina. Hindi dapat ako nagalit sa'yo,” dugtong ng ni Eric na umupo na sa tabi ng dalaga.
Nagulat ng kaunti si Marie sa narinig. Hindi man siya sumagot, ay kinuha naman niya ang isa sa mga buko at ininom ang tubig nito. Pagkatapos ay sabay silang uminom ng tubig galing sa buko habang pinagmamasdan ang lumulubog na araw.
“By the way, my name is Eric,” biglang sabi ng binata sabay abot ng kamay nito sa dalaga.
“Alam ko. Ba't kailangan mo pang i-introduce ang sarili mo?” natawang sagot ni Marie na muling nagulat sa ginawa ng binata.
“We didn't have a proper introduction kasi and I treated you badly at the airport,” nakangiting tugon ni Eric. “And now, tayo lang dito. And I don't find it nice kung mag-aaway pa tayo.”
Napangiti uli si Marie. “I'm Marie, Marie Jane. You can call me MJ or Marie,” pakilala naman ng dalaga na natutuwa sa pinapakitang ugali ni Eric ngayon. Naisip niya na siguro nga ay may pinagdadaanan lang talaga ang binata kaya ganoon na lang 'yong mga naipakitang ugali nito.
“How about, Jane? Can I call you Jane?” tanong ni Eric.
“No,” matigas na sagot ni Marie. “Ayaw ko sa pangalan na 'yan. Kapag nagka-oras at pera ako papatanggal ko 'yang pangalan na 'yan sa birth certificate ko at sa lahat ng mga IDs ko,” seryosong sabi ni dalaga sabay inom ng buko.
“Why? It's a nice name, Jane,” may pagtataka sa tanong ni Eric.
“It's my mother's name. And my mom left us 9 years ago. Sumama siya sa isang mayamang lalaki then naging miserable ang buhay ng tatay ko after n'on,” seryosong sagot ni Marie habang nakatingin sa mga alon sa dagat.
Nabigla si Eric sa naging sagot ni Marie. Hindi niya inakala na may malungkot na kwento pala ang dalaga sa kabila ng matapang at palaban na ugali nito. At nagulat din siya dahil bigla na lang nag-open up ang dalaga.
“Naisip ko tuloy. Baka tama 'yong sinabi mo kanina. Na pera lang ang habol naming mga babae. Baka sa future gan'on din pala ako,” sabi ni Marie na nakatingin pa rin sa mga alon.
“I'm sorry. I didn't want to bring that up. That was insensitive,” pagpapaumanhin ni Eric na nahalata na ang lungkot sa mga mata ng dalaga.
“Tapos, siguro–” napatigil si Marie sabay hinga ng malalim. “Nag-aalala na siguro ang tatay ko at mga kapatid ko ngayon,” naiiyak na sabi ng dalaga.
“Si Matthew, 'yong bunso kong kapatid. May chemo therapy pa siya. Sino na ngayon ang tutustos no'n?” dugtong ng dalaga kasabay ng 'di na n'ya mapigil na mga luha.
Hindi na nagsalita pa si Eric. Naramdaman niya ang lungkot at pag-aalala ni Marie para sa tatay at mga kapatid nito. Gusto niyang pagaanin ang loob ng dalaga kahit papano. Pero hindi niya alam ang dapat na sabihin. Kaya naman tinapik-tapik na lamang niya ang likod ng dalaga. Kasunod n'on ay tumayo siya at kinuha ang natuyo ng damit ni Marie. Maggagabi na kasi at lumalamig na.
“Nagtataka ka siguro kung bakit ako nag-open up sa’yo,” biglang sabi ni Marie na nagpatigil sa binata. Tumingin si Eric sa kanya at nagtagpo ang mga mata nila.
“Hindi dahil sa ikaw na lang ang tao dito,” dugtong ni Marie. “It’s because I think you are a good person. Nararamdaman ko ‘yon,” nakangiting sabi ni Marie habang pinupunasan ang natirang luha sa mga pisngi.
Biglang namula ang mukha ni Eric. “I don’t think so. But thank you, anyway,” sagot ng binata sabay abot ng mga damit ng dalaga.
Tuluyan ng lumubog ang araw at ang maliliwanag na mga bituin na ang sumakop sa kalangitan. Malamig ang simoy ng hangin. Mabuti na lang at agad na nakagawa si Eric ng apoy. Nanghuli din ang binata ng mga isda mula sa ilog na nakita niya at pinagsaluhan nila ni Marie ang una nilang hapunan sa isla.
“Nga pala, Eric. Parang wala kang iniisip. Parang 'di ka nag-aalala. 'Wag mo sanang masamain pero may mga kamag-anak ka ba?” tanong ni Marie habang kumakain ng inihaw na isda.
“Meron naman. Pero wala silang pakialam sa 'kin,” mabilis na sagot ni Eric.
“Huwag mong sabihing iniwan ka din ng mama mo. 'Wag kang gaya-gaya,” pabirong sabi ni Marie sabay ngiti.
“Alam mo. Bilib ako sa ability to move-on mo. Kanina lang umiiyak ka dahil sa kwento mo pero ngayon...” sagot ni Eric na pilit na binabago ang usapan.
“Alam mo kasi. Kapag hindi ka natutong tumawa sa gitna ng mga problema, walang mangyayari. Hindi masamang umiyak. Pero dapat after n'on game ka na ulit. Tska nakakaiyak lang 'yan pag naaalala mo,” nakangiti at taas noong sabi ng dalaga.
Napangiti si Eric sa sinabing iyon ni Marie. Napagaan noon ang loob niya. Isa pa, ibang-iba si Marie sa mga babaeng nakilala niya. Sa kabila kasi ng kagandahan nito ay halos wala itong arte sa katawan at 'di mapili sa pagkain. Mayroon din itong ngiti na nakakapagpasigla. Ngiti na sa tingin niya ay walang katulad. Lumipas ang mga segundo. Hindi namalayan ni Eric na nakatitig na siya kay Marie habang nakangiti.
“Ano? May dumi na ba ako sa mukha?” tanong ni Marie nang makita si Eric na nakatitig sa kanya.
“Ah! Ano... Wala!” nagulat na sagot ng binata. “Inaantok na kasi ako,” palusot nito.
“Asus… nagagandahan ka sa akin ‘no?” pang-aasar ni Marie.
“Tumigil ka nga!” malakas na tutol ni Eric sabay tayo upang itago ang pamumula ng mukha.
Natapos silang kumain at hindi nila inakalang mabubusog sila ng sobra kahit sobrang simple lang ng pagkain. Inayos na ni Eric ang hihigaan niya. Naglatag siya ng malalapad na mga dahon sa ibabaw ng buhangin at doon humiga.
“Doon ka na sa maliit na kubo matulog. Dito na lang ako sa labas,” sabi ni Eric kay Marie.
“Ha? Okay ka lang ba d'yan?” may pag-aalala sa tanong ni Marie. Pero hindi niya maintidihan pero parang sa pandinig niya ay ang napaka-sinsero ng sinabi ni Eric. Parang kiniliti ang tenga niya at napangiti siya dahil dito pero hindi niya ipinahalata sa binata.
“Oo naman! Sanay ako sa labas. Unless, gusto mo kong makatabi,” nakangiti at nang-aasar na sagot ni Eric.
“Manyak!” nakangiting balik ni Marie sa binata.
“Sige na, matulog ka na at bukas marami pa tayong gagawin,” natatawang sabi ni Eric.
Pumasok na sa loob ng bahay na gawa sa pinagtagpi-tagping dahon si Marie para magpahinga. Pagod siya pero hindi siya makatulog. Malakas ang alon ng dagat at dinig na dinig niya ito. At sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam siya ng lungkot at pagkatakot. Umupo si Marie para tignan ang dagat at magpaantok. Pero nakita niya si Eric na lumilipat ng pwesto dahil tinatamaan ito ng alon. At sa nilipatan naman nito ay panay ang kamot ng binata dahil sa napakaraming langgam. Kaya naman tinawag na lang niya ito.
“Eric! Dito ka na! Kasya naman tayo dito!” tawag ni Marie sa binata.
“Ha? Ah…” nagdadalawang isip na sagot ni Eric habang nagkakamot ng ulo.
“Ano ka ba? Papapakin ka ng mga langgam diyan eh! Tignan mo nangangati ka na!” pamimilit ng dalaga.
Nag-alangan pa rin ang binata. Maliit lang kasi ang kubo para sa kanilang dalawa at ayaw niyang makaramdam ng pagka-ilang si Marie. Pero matapos ang kaunting pamimilit ni Marie at dalawang mas malakas na hampas ng alon ay hindi na tumanggi pa ang binata. Gusto rin naman kasi niyang makapagpahinga ng maayos, hindi lang niya inakala na tataas ang lebel ng tubig sa isla sa gabing 'yon.
Nagtabi ang dalawa sa maliit ng papag pero nakatalikod sila sa isa't isa. Pareho silang gising at nakikiramdam lang. Pareho ang nasa isip nila. Sinong mag-aakala na mangyayari ang mga ito. Na parang sa mga pelikula at libro lang nangyayari.
“Gising ka pa?” biglang tanong ni Marie.
“Oo. Bakit?” mabilis na tugon ni Eric.
“Sorry kung nasapak kita sa airport,” sagot ng dalaga. “Ayaw ko lang kasi naminamaliit ako at ayaw ko sa mga taong nangmamaliit ng iba and I was so stressed.”
“It's my fault. Gusto ko ding mag-apologize. Problemado lang din talaga ako kahapon,” sagot ni Eric. “A night before that, my ex-girlfriend left me. Sumama siya sa mas mayaman kahit na engaged na kami at malapit ng ikasal,” dugtong ng binata.
“Seryoso 'yan?” tanong ni Marie. Na nagulat at napabaling sa kausap.
“Yes. The reason I want to go to Taiwan is to end my life there,” sagot ni Eric.
“I am planning to commit suicide.”
Nabigla si Marie sa sinabi ng binata. Naramdaman ang lungkot sa boses ng ni Eric. Gusto niyang magsabi ng kung ano para mapagaan ang loob ng binata. Pero hindi niya alam ang sasabihin.
“It’s okay,” biglang sabi ni Eric na hindi man lang bumaling sa dalaga. “Matulog na tayo for now.”
“Eric–”
“Don’t think about it,” putol ni Eric sa dalaga. “Sorry, kung nai-kwento ko pa. I didn’t mean to affect you this way. Let’s sleep for now,” sagot ni Eric sa dalaga.