Sumikat muli ang araw sa isla. Isang panibagong araw nanaman na kailangang lagpasan ni Marie. Isang araw nanaman ng pag-iisip kung paano makaka-uwi sa piling ng pamilya.
Wala na si Eric sa higaan ng magising si Marie. Lumabas siya ng kubo at tumingin sa paligid pero wala ni anino ng binata. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Eric kagabi tungkol sa plano nitong pagpapakamatay. Naisip niyang baka totohanin ng binata ang sinabi nito. Kaya naman mabilis na hinanap ni Marie ang binata. Pumunta siya sa bungad ng kakahuyan at tinawag niya ang pangalan ng binata, pero walang sumasagot. Hindi niya alam kung bakit, pero labis ang pag-aalalang nararamdaman niya. Natatakot man ay lakas loob na naglakad papasok ng kakahuyan si Marie. Nagbakasakaling makita ang binata doon.
“Eric! Nasaan ka?!” sigaw ni Marie habang inililibot ang mga mata sa paligid.
“Boo!”
“Ay! Lintik kang kabayo ka!” gulat na sigaw ni Marie sa narinig sabay napahawak sa dibdib. Biglang lumabas kasi si Eric sa likuran niya at sadyang ginulat siya.
“Ba't gan'on ang hitsura mo nung hinahanap mo 'ko? Akala mo iniwan na kita 'no?” nang-aasar na sabi ng binata.
“Che! As if 'no? Nagugutom lang kasi ako,” inis na sagot ng dalaga. Pero laking ginhawa ang naramdaman niya ng makita si Eric. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib dahil buong akala niya kasi ay tinuloy na nito ang planong magpakamatay.
“Sakto! Ito tignan mo! Nanghuli ako ng mga isda at namitas ng mga prutas. Tara at kumain na tayo,” nakangiting sabi ni Eric.
Masaya at matatamis na ang mga ngiti ni Eric ngayon. Hindi kagaya noong una silang magkita nito sa airport na galit at lungkot ang makikita sa mukha ng binata. Napansin ito ni Marie. Pero nararamdaman din niyang sa likod ng mga ngiting 'yon ay ang bakas ng walang kasing bigat na kalungkutan.
Natapos kumain ang dalawa at napagkasunduan nilang gumawa ng isang distress signal. Gamit ang mga sanga ay gumawa sila ng malaking S.O.S sign sa buhanginan. Para kung sakaling may dumaang eroplano ay maaaring makita ito at maligtas sila.
“Nakakapagod. Pero sapat na siguro ang laki nito,” sabi ni Marie sabay upo sa buhanginan.
“Oo. Sana may dumaang eroplano,” sagot naman ni Eric. “By the way, anong gagawin mo pag nakaalis na tayo dito?” biglang dugtong ng binata.
“Uuwi ako. Tapos yayakapin ko ang mga kapatid ko,” mabilis na sagot ni Marie na nakatingin sa langit at iniisip ang masayang tagpong iyon. Iniisip niya ang mukha ng mga kapatid kapatid niya habang nakatitig sa mga ulap.
“Eh ikaw?” may pasubaling tanong ni Marie. “Pupunta ka pa rin ng Taiwan?” gusto niyang malaman kung seryoso ang binata sa sinabi nito kagabi.
“I think so. Wala naman na 'kong babalikan pa sa Pilipinas. I mean, ayaw ko ng bumalik sa amin,” sagot ni Eric.
“Bakit sa Taiwan pa?” nag-aalangang tanong muli ni Marie.
Tumingin ang binata sa kanya at ngumiti at pagkatapos ay ibinaling nito ang mga mata sa malayong yugto ng karagatan. “Dahil I have good memories in Taiwan,” sagot ng binata. “Memories with my dad noong buhay pa siya. With my ex girlfriend that I loved so much. Gusto ko bago ako mamatay mabalikan ko lahat ng memories na 'yon.”
“Para saan?”
“Para maalala ko na minsan, may mga taong nagpahalaga sa existence ko. Para bago ko tapusin 'tong sakit na nararamdaman ko, maalala ko na may mga nagmahal sa akin kahit papano,” malungkot na sagot ni Eric.
Tumayo si Marie at naglakad bahagya papaunta sa dagat matapos ang sinabi ng binata. Hinayaan niyang mabasa ng malamig na tubig dagat ang mga paa niya. Huminga siya ng malalim. Sabay sumigaw ng pagkalakas-lakas.
“Hoy. Anong ginagawa mo?” tanong ni Eric na nagulat sa ginawa ni Marie.
“Inilalabas ko 'yong sama ng loob ko,” nakangiting sagot ng dalaga. “2 weeks before my flight. I broke up with my ex-boyfriend na naging karelasyon ko since college. That was for 7 years. We were so happy. Akala ko siya na 'yong magiging kasama ko habang buhay. Pero hindi pala. He cheated on me for four years,” kwento ni Marie na nagpatigil sa binata. “Nagmukha akong tanga for four years. At ang third party? One of my best friends at lately ko lang nalaman,” dugtong ni Marie habang nakatingin sa mga alon.
Nagulat si Eric sa kwento ni Marie. Pero naisip niya na baka sinasabi lang ito ng dalaga para makisimpatya sa kanya.
“Is that true?” tanong ni Eric.
“Yes! And I am also suffering as of now. But I didn't think of suicide,” mabilis na sagot ng dalaga matapos ibaling ang tingin kay Eric.
“Kasi, walang mangyayari. You will just show those people na nanakit sa'yo na talagang mahina ka! Na you can't live without them. Hindi sila magi-guilty sa ginawa nila. In short, sasayangin mo 'yong buhay mo dahil sa kanila. Which is wrong kasi wala silang mga kwenta. And you don't waste your time and life sa walang kwenta,” dugtong ng dalaga.
Natulala uli si Eric kay Marie, dahil sa mga sinabi nito. Naiisip niyang napaka-mature mag-isip ng dalaga kung ikukumpara sa kanya.
“Gusto ko ng mamatay kasi ang sakit sakit na,” sabi ni Eric kasabay ng isang buntong hininga. “I tried to contact her again pero nagpalit na siya ng number. We're supposed to be married next month. Pero ito 'yong ginawa niya sa 'kin,” sabi ni Eric na di na napigil pa ang mga luha.
Linapitan siya ni Marie at niyakap. Alam ni Marie ang sakit ng iwan ng isang minamahal ng dahil sa iba. Nakita niya 'yon sa kanyang ama at naranasan na din niya. Ang totoo, alam niyang mahirap magmove on. Pero alam din niya na iyon ang dapat gawin. At iyon ang gusto niyang malaman ni Eric.
Lumipas ang pitong araw. Naging mas malapit sa isa’t-isa ang dalawa at tila na nakalimutan na ang kani-kaniyang mga problema. Pero walang dumating na rescue para kunin sila. Wala ni isang eroplano o helicoper ang napadaan sa isla kung nasaan sila. Tanging ang mga isda at prutas ang naging pagkain ng dalawa na naging sapat naman para hindi sila magutom.
Pero naging masungit ang panahon ngayon at sa mga nagdaang mga araw. Umaga at gabing umulan. Naging malamig ang paligid at naging dahilan iyon para magkasakit si Marie. Napakataas ng lagnat ng dalaga at hindi na makabangon pa. Hindi na rin ito masyadong nakakakain ng maayos.
“Marie. Anong nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ni Eric matapos punasan ng basang tela ang dalaga para bumaba ang lagnat nito.
“Giniginaw ako at nahihilo,” mahinang sagot ng dalaga.
“Sige. Yayakapin kita para mainitan ka. 'Wag kang mag-alala. Gagaling ka din. Hindi kita pababayaan,” sabi ni Eric. Humiga siya at niyakap ang nanginginig na dalaga. Napakainit ng katawan ng dalaga at naramdaman niyang nanginginig na ito sa ginaw. Kaya naman mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito.
“Kung hindi ako makaligtas, sana masabi mo sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila,” sabi ni Marie habang patuloy ang panginginig ng katawan.
“Shhh... 'Di ka mamamatay. Hindi ko hahayaan na mamatay ka dito. Okay?” sabi ni Eric na mas hinigpitan pa ang yakap sa dalaga. Natatakot siya. Natatakot siya na baka kung ano na ang mangyari sa dalaga.
Hindi bumitaw si Eric sa pagkakayakap kay Marie hanggang sa mawala ang panginging ng katawan nito. At habang nakayakap si Eric sa dalaga at labis ang pag-aalala niya dito.
Unti-unting tumigil ang panginginig ng katawan ni Marie. Napangiti ng kaunti si Eric. Nabuhayan siya dahil tila bumubuti na ang kalagayan ng dalaga. Napako ang mga mata niya sa maliit na mukha ni Marie. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pero isa lang ang sigurado niya. Alam niyang kailangan niyang protektahan ang dalaga. Lalo na at binigyang sigla muli nito ang madilim ng mundo niya.
Ganun din naman si Marie. Kahit na hindi siya kumikibo. Hindi niya maunawaan pero pakiramdam niya ay ligtas siya habang nasa mga bisig ng binata.
Lumipas ang magdamag. Hindi ni minsan binitiwan ni Eric si Marie. At halos kakasikat lang ng araw nang makarinig si Eric ng isang tunog mula sa dagat. At habang tumatagal ay lalong lumalakas ang tunog na naririnig niya. Dahan-dahan niyang binitawan ang natutulog na si Marie para tignan kung saan galing ang tunog. At laking tuwa niya ng makita ang isang puting yate na papunta sa direksyon nila.
“Marie. Andyan na ang rescue!” masiglang sigaw ni Eric. Agad siyang lumabas at kumaway-kaway para makita ng mga tao sa yate. Hindi tumigil si Eric sa pagkaway hanggang makarating ang yate sa pampang. Tuwang tuwa si Eric at halos salubungin ito. At mula sa yate, ay bumaba ang isang binata at agad itong namukhaan ni Eric.
“Jigs! Jigs! Nandito ako!” sigaw ni Eric.
“Eric!” malakas na sigaw ng binata. “Sabi ko na nga ba at buhay ka!” sigaw nito habang tumatakbo papunta sa kaibigan. Halos maiyak ang binata ng makitang buhay si Eric at agad niya itong yinakap.
“Sandali. May kasama ka bang mga doctor?” biglang tanong ni Eric na bakas ang pag-aalala sa mukha.
“Meron. Bakit may sakit ka ba? May masakit ba sa'yo?” tanong ni Jigs habang sinisipat ang katawan ng kaibigan.
'Hindi! 'Yung kasama ko. Kaibigan ko,” sagot ni Eric.
“Kaibigan?” may pagtataka sa tanong ni Jigs habang sinipat ng mata ang itinurong kubo ni Eric.
“Oo! Napakataas ng lagnat niya. Please iakyat na natin siya sa yate,” sabi ni Eric sabay hila sa kaibigan.”
“Sige. No problem,” sabi ng kaibigan ng binata. “Hoy, kayo diyan sa taas. Bumaba muna kayo at tulungan ninyo kami!' utos ni Jigs sa mga taong kasama niya sa yate.
Agad nilang pinuntahan si Marie at dinala sa loob ng yate kung saan inasikaso siya agad ng mga doktor na nandoon. Ganoon din si Eric. Pero sinabi niya na walang masakit sa kanya at ayos lang siya. Iginiit niya na dapat unahin nilang asikasuhin si Marie.
“Salamat at dumating kayo,” pasasalamat ni Eric sa kaibigan.
“Hindi nakita ang bangkay mo sa crash site. Kaya sinuyod namin ang karagatan makita ka lang. Dead or alive. Isa pa, nag-aalala ang mommy mo sa'yo,” sagot ni Jigs.
“Nag-aalala kamo 'yon sa pera na mukukuha nila pag namatay ako. At sa posisyon na maiiwan ko kung sakali,” nakangising sabi ni Eric. “Teka, nasa Pilipinas pa rin ba tayo?”
“Oo. Nasa bandang itaas ng Batanes,” sagot ni Jigs. “Teka, sino 'yong babaeng 'yon?” biglang tanong ng lalaki.
“Marie. Her name is Marie. Siya ang nagligtas sa akin. Nalunod na sana ako kung di niya ko nakitang palutang-lutang sa dalampasigan. Patay na sana ako pero niligtas niya ako,” nakangiting sagot ni Eric.
Napatanaw si Eric sa isla habang papalayo ang yate mula rito. Nakatingin siya sa maliit na kubo kung saan muli ay nakaramdam siya ng saya. Saya na maaaring hindi na niya maranasang muli.
“Siya ang savior ko. Not only physically, but also emotionally,” pahabol ni Eric.