CHAPTER VI

1395 Words
Puting kisame at dingding ang unang nakita ni Marie ng magising siya. Agad siyang napabalikwas mula sa higaan at sinimulang isipin kung paano siya napapadpad sa kwartong iyon. Pero hindi nagtagal ay napahiga siyang muli ng dahil sa bigla at labis na pagsakit ng ulo. Ilang minuto din ang lumipas bago tuluyang humupa ang p*******t ng ulo niya at muling siyang umupo at inilibot ang mata sa paligid. Kinurot niya ang pisngi para siguraduhing hindi siya nananaginip dahil ang huling natatandaan niya ay nasa isla siya kasama si Eric. Pero hindi siya nananaginip totoong wala na siya sa isla, totoong wala doon si Eric. Dahan-dahan siyang umurong sa gilid ng kama at hinawi ang kuritinang nakaharang sa bintana. Nakita niya ang mga sasakyan at nagtataasang mga gusali. Nasa siyudad na siya at hindi niya mapigilan ang mga luha. Dahil sa wakas, makakauwi na siya. Habang abala sa pagpupunas ng mga luha ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto na tumawag naman sa atensyon niya. “Joan?!”  tawag ni Marie sa nagbukas ng pinto. Muling nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Masaya siyang makita ang kaibigan. “Marie?! Gising ka na!” masayang sigaw ni Joan nang makita ang gising nang kaibigan. “Doc! Nurse! Gising na 'yong kaibigan ko!” sigaw ni Joan sa mga nurse sa labas. Agad na lumapit si Joan sa kaibigan at agad niyakap ito. Mahigpit at may papanabik na yakap naman ang ibinalik ni Marie. “Akala ko hindi na tayo magkikita,” naiiyak na sabi ni Joan. “Ako nga din eh,” sagot ni Marie sa kaibigan. “Pero paano ako napunta dito?” tanong ni Marie sa kaibigan habang nagpupunas ng luha. “Dinala ka dito ng mga tauhan ng Perez Corporation. Nakita ka daw nila sa isang isla sa itaas ng Batanes. Mataas ang lagnat mo at wala kang malay,” sagot ng kaibigan niya. “Perez Corporation? Pero, nasaan 'yong kasama ko sa isla? Si Eric?” tanong uli ni Marie. “Eric?” may pagtataka sa boses at ekspresyon ng tisay na dalaga. “Wala naman silang nabanggit na may kasama ka. Ang totoo n'yan, ayon sa report nila mag-isa ka lang sa isla nang makita ka nila,” patuloy nito. “Hindi! May kasama ako,” tutol ni Marie sa kaibigan, “Si Eric. Siya 'yong gumawa ng tinutulugan ko d'on sa isla. Siya rin ang gumawa ng apoy namin sa gabi para ‘di kami ginawin. Siya din ang nangunguha ng pagkain namin. Imposibleng..,” napatigil sandali si Marie. “Siya pa nga nag-alaga sa akin nung may sakit ako!” patuloy ng dalaga na medyo tumaas na ang tono ng boses. Sigurado siyang may kasama siya sa isla. Sigurado siyang kasama niya si Eric. Pero bakit ngayon ay lumalabas na tila imahinasyon lang niya ang binata. “Imposible eh, nandoon siya. Nasaan na siya?!” umiiyak na tanong ni Marie sa kaibigan. Naguguluhan siya. Nalilito siya sa mga nangyayari. Niyakap siya agad ng kaibigan. Para kay Joan, sobrang stress ang naranasan ni Marie dahil sa mga pinagdaanan nito at nahihirapan ito ngayon dahil sa aksidente. Gusto man niyang paniwalaan ang sinasabi ng kaibigan ay iba naman ang sinasabi ng mga reports ng mga rescuers. Kaya hindi na lang nagsalita pa si Joan. Niyakap na lang niya ng mahigpit ang kaibigan. Alam niyang kailangan siya nito ngayon. Biglang pumasok sa isipan ni Marie ang ikinuwento ni Eric sa kanya. At lalong nadagdagan ang pag-aalalang nararamdaman niya. “Jo, sabi ni Eric sa isla. May balak siyang magpakamatay. Hindi kaya…”  umiiyak na sabi ni Marie. “Wala ba silang nakitang kahit bangkay man lang?” “Wala, bes. Ikaw lang daw talaga ang nakita nila sa isla,” marahang sagot ni Joan sa kaibigan. Idiniin ni Marie ang mukha sa mga palad at hindi na niya napigilan pa ang pag-iyak. Sigurado siya sa sarili niya na totoo si Eric. Sigurado siya na nakasama niya ang binata. At labis ang pag-aalala at lungkot na nadarama niya sa ngayon.   Lumipas ang dalawang araw bago nakalabas ng ospital si Marie. Wala namang problema sa mga medical tests niya kaya pinalabas na siya ng maaga ng ospital. Sinagot lahat ng airline ang lahat ng gastusin. Sinundo siya ng pamilya niya sa ospital at naging madamdamin ang pagkikita nila ng ama at mga kapatid niya. Bahagyang nawala ang pag-aalala niya. Pero hindi pa rin nasasagot ang isang tanong sa isipan niya. Isang tanong na hindi lumipas ang araw ay lagi niyang pinag-iisipan. Kung totoo ba si Eric o hindi? Agad siyang pumunta sa isa pang ospital para dalawin naman ang kapatid na may sakit. Malayo pa lang siya ay nakita na agad siya ng bata na papalapit. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya at naka upo sa isang wheel chair. “Ate. Welcome back! Ang tagal mo naman d'on sa Taiwan?” bati ng bata. “Pasensya ka na, Matthew. Madaming ginawa si ate, eh,” sabi ni Marie sa kapatid sabay yakap ng mahigpit dito. Hindi na napigilan ni Marie ang maiyak. Sobrang namiss n'ya ang kapatid at talagang natakot siya na hindi na niya ito makita. “Kamusta ang chemo? Kinaya mo na? Hindi ka umiyak?” tanong ni Marie habang palihim na nagpupunas ng luha. “Hindi po. Kasi nandyan sila kuya at si ate Joan. Hindi nila ako iniwan,” sagot ng bata. “Wow! Very good!”  papuri ni Marie habang hinihimas ang ulo ng kapatid at nagpipigil ng luha. “Nasaan na po 'yong robot na promise mo?” biglang tanong ni Matthew. “Nasa bahay, bukas dadalhin ko dito ha?” nakangiting sagot ni Marie. Masayang niyakap muli ni Matthew ang ate niya matapos noon. At matapos magbilin at magpaalam ay inihatid na ni Marie ang bunsong kapatid sa loob ng kwarto nito. Tapos na din kasi ang oras ng pagbisita at kailangan pang magpahinga ni Matthew. Nakangiting kumaway bilang paalam ang bata habang papalayo si Marie. Walang kamalay-malay ang bata na muntik na silang hindi magkita muli ng kanyang ate, pero kitang kita rin sa mga mata niya na masaya siyang makita ang kanyang ate. Ganoon din naman si Marie. Parang ayaw pa nga niyang magpaalam at umalis. “Jo, salamat sa pag-aalaga mo kay Matthew habang wala ako,” pasasalamat ni Marie sa kaibigan habang naglalakad papaunta sa waiting area ng ospital. “Wala 'yon! We're family. Sila Marco at Mark din naman, hindi pinabayaan si Matthew,” sagot ni Joan sa kaibigan. Sinamanatala ng dalawa ang pagkakataon at nagkwentuhan sila. Ikinuwento ni Marie lahat ng nangyari ayon sa pagkakaalala niya. Simula ng mabunggo siya ni Eric sa airport, na naging magkatabi sila sa erplano at ‘yong ginawang pagtulong ng binata sa mag-ina sa eroplano. Ikinuwento niya sa kaibigan kung gaano katotoo si Eric at na hindi lang siya basta nahihibang. At habang idenidetalye ni Marie ang lahat sa kaibigan ay isang news flash sa TV ang kumuha ng atensyon nilang dalawa. News! Ngayon! Ngayong araw na opisyal na magtetake over ang bagong CEO at Presidente ng pinakamalaking business group sa Pilipinas, ang Perez Group of Companies. Maaalalang muntik ng mabuwal ang business group matapos mamatay sa isang aksidente ang founder nitong si Mr. Bong Perez. Pero ngayon ay muli itong tatayo sa pamamahala ng bagong CEO, si Mr. Eric Von Perez, anak ng yumaong founder ng grupo. “Hindi,” biglang sabi ni Marie habang nakapako sa TV ang mga mata. “Anong hindi?” nakataas kilay na tanong ni Joan. “Yong Eric na ikinukwento ko sa'yo. Siya 'yong Eric na nasa TV ngayon,” sagot ni Marie na hanggang ngayon ay ‘di maalis ang mata sa TV. “Ha? Nahihibang ka na ba talaga?” natatawang tanong ni Joan. “Yung totoo? Paanong mangyayari 'yun? Eh, mayaman 'yan!” dugtong ng ‘di makapaniwalang kaibigan. “Siya 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado ako makikilala niya ako pag nakita niya ako,” sabi ni Marie. “Oh, teka. Ano 'yang binabalak mo? Hindi ko gusto 'yang kislap ng mga mata mo,” sabi ni Joan sabay hawak sa kamay ng kaibigan na tila pinipigilan ito. “Tara. Pupunta tayo sa opisina niya,” sabi ni Marie sabay tanggal sa kamay ng kaibigan mula sa pagkakahawak sa kanya. “Ha?” tanging naisagot ni Joan na biglang kinaladkad ng kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD