Paglabas ni Eric ng ospital ay narinig kaagad niya ang balita. Balita tungkol sa nangyayari sa kompanya. Wala ng trabaho ang kaibigan niyang si Jigs dahil tinanggal ito ni Mrs. Perez at ganoon din ang sinapit ng ilang matatagal ng nagtrabaho sa komapanya. Lahat sila ay tinanggal ni Mrs. Perez sa mga posisyon nila at pinalitan ng mga mas bata at sa tingin nito ay mas kwalipikado. Agad na dumeretso si Eric sa opisina para makita ng harapan ang mga ginawang pagbabago ng ina. Maging ang mga gwardiya ng gusali ay bago lahat at ang lahat ay mga tauhan ng kinilala niyang ina. May mga ilan na natira sa mga dati nilang empleyado pero iyon lang ang mga taong talagang kailangan na kailangan ang serbisyo sa kompanya. Mabilis na umakyat si Eric sa kanyang opisina pero agad din siyang pinigilan ng dalaw

