Habang tumaktakbo ang araw ay lalong lumalaki ang bayarin nila Marie sa ospital. At hindi na sapat ang sahod niya sa panggabi niyang trabaho para tustusan ang gastusin nila. Nagpadala na rin ng pera ang ama nila, pero sadyang hindi pa rin iyon sapat para sa kanila. Lalo na at pumapasok pa sila Marco at Mark sa eskwela. Nahihirapan si Marie pero kailangan niyang maging matatag para sa pamilya. Kaya naman kinausap niya sila Marco at Mark na magpalitan muna uli sa pagbabantay kay Matthew dahil maghahanap na uli siya ng trabaho sa umaga. Wala namang naging problema sa dalawa at masaya silang pumayag sa plano ng ate. Agad na nag-apply ng trabaho si Marie. Nagpasa siya ng mga resume niya online at nagpunta rin siya sa mga opisina. At lahat ng pinagpasahan niya ay sinabi sa kanya ay tatawagan n

