Masakit ang ulo na bumangon si Marie mula sa kanyang kama. Hindi talaga siya nakatulog ng maayos dahil sa kaiisip kay Eric. Magdamag din siya sa social media. Naghihintay ng update sa kalagayan ng binata. Pero inabot na lang siya ng madaling araw at walang ni isang balita ang narinig tungkol kay Eric. Madilim pa ng kinatok ni Marie sila Marco at Mark at halos nakapikit pa ang dalawa nang pagbuksan si Marie. Ipinaliwanag ng dalaga sa dalawa na kailangan niyang umalis papuntang Taiwan at baka magtagal siya doon ng dalawang araw. Agad namang tumutol si Marco na nag-aalalang mauulit ang aksidenteng kinasangkutan ng ate noong nakaraan. Pero sinigurado naman ni Marie na magiging ligtas siya at mag-iingat. Hindi kumbinsido si Marco at Mark pero wala naman na silang magagawa para pigilan pa ang

