Chapter XXV

1765 Words

Mabilis na pinatakbo ni Ms. Princess ang sasakyang nag-aabang na sa kanila sa labas ng airport. Walang magawa si Marie kundi ang kumapit na lang sa hawakan ng sasakyan habang ikinakabit ng isa niyang kamay ang seatbelt sa kanyang baywang. At bukod sa pag-aalala ni Marie kay Eric ay dumagdag pa ang pag-aalala niya sa buhay niya habang parang hangin na tumatakbo ang sasakyan nila. Tinalo pa ni Ms. Princess ang isang professional na karerista sa pagsingit sa mga sasakyan sa kalsada. Ilang red lights na ang nilagpasan niya at wala siyang pakialam kahit dalawang sasakyan na ng pulis ang humahabol sa kanila. At lalong lumakas ang kaba ni Marie nang hindi na niya makita sa likuran ang mga bodyguards ni Ms. Princess na kanina lang ay nakabuntot sa kanila. “Huwag kang mag-alala, Marie,” sabi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD