Dalawang araw naratay sa higaan si Eric matapos ang tagpo sa rooftop at hindi na siya hinintay ni Marie na magising para makapagpaalam. Kinausap ni Marie si Ms. Princess na mauuna na siyang bumalik sa Maynila at hindi naman na tumutol pa ang ang isa. Hindi rin ito nagtanong kay Marie ng may kinalaman sa nangyari sa rooftop. Bakas naman kasi sa mga namumugtong mga mata ng dalaga kung ano ang nangyari at pinag-usapan nila ni Eric doon. Agad na ipinahatid si Marie sa Maynila at naiwan naman sa Taiwan si Ms. Princess para alagaan at kausapin ng masinsinan ang kapatid. Pagkagising na pagkagising ni Eric ay agad siyang tumayo mula sa higaan. Pinagtatanggal niya ang mga nakakabit sa kanya at agad na naghanap ng damit na pampalit. Muntik pa siyang matumba nang makaramdamn ng pagkahilo at panghihi

