Isang nakagigimbal na impormasyon ang nakalap ni Joan mula sa dati nilang mga kaklase ni Marie. At hindi niya kayang tiisin na hindi agad masabi sa kaibigan ang nalaman na iyon. Kaya naman kahit may ginagawa ay nagmadaling pumunta si Joan sa bahay ng kaibigan. Halos habulin na niya ang hininga sa bilis ng lakad. Nag-aalala rin kasi siya dahil baka mapahamakng tuluyan si Marie. Kaya kailangan niyang masabi dito ang nalaman at mabigyan ito ng babala para mag-ingat. Malakas na kumatok si Joan sa pintuan ng bahay ng kaibigan habang tinatawag ang pangalan nito. Ngunit wala na ito doon at tanging ang mga kapatid at mga magulang na lang ng kaibigan ang nadatnan niya sa bahay. “Ate Joan, anong problema?” bungad na tanong ni Marco nang mapansin ang balisang mukha ng dalaga. “Si Marie? Nasaan si M

