bc

Therivia Academy: School of Special Being

book_age12+
24
FOLLOW
1K
READ
witch/wizard
nerd
campus
highschool
mythology
royal
sword-and-sorcery
magical world
another world
ancient
like
intro-logo
Blurb

As Ellah starts to unravel the secrets that the past generations hid, will she be able to handle the consequences of it? And as she continues to discover her destiny that associates with her weapon, a great sacrifice is needed to be done.

"He creates, I destroy. That's how our fate should be. "

- Ellah Dennise Grimme

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Sa isang napaka gandang kaharian na ngayo'y kasalukuyang nilulusob at winawasak ng mga Daímones, lahat ay nag kakagulo. May mga umiiyak, nag mamakaawa at humihingi ng tulong. Kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang mga nagkalat na bangkay ng mga napaslang na Immortal, mga duguan, nanghihina at sugatan. Sa labanang ito ay walang pinalagpas ang mga Daímones. Mapabata, matanda at mga waláng kamuwang-muwang na mga sanggol. Kahit ang hari at reyna ng buong Immortal Realm ay walang nagawa, gayundin ang iba pang mga kaharian. Namatay ang hari kasabay ng pakikipaglaban nito sa kanyang dating pinaka matalik na kaibigan, si Draco, ang pinuno ng mga Daímones. Samantalang ang reyna ay pinipilit lumaban sa kabila ng kaniyang natamong malalalim na saksak sa tagiliran at Dibdib upang mabalikan nito ang prinsesa at prinsipe na itinago nito sa loob ng kastilyo. Ipinatawag ng reyna ang kaniyang taga pag silbi na si Elysia na halos kasing edad niya lamang. Ibinilin niya rito na dalhin ang kaniyang mga anak sa Mortal Realm upang duon ito sanayin at protektahan. Ibinilin rin nito na burahin ang ala-ala ng mga ito sa oras na maka tapak sila sa mundo na mga mortal at ito ay para sa kanilang kaligtasan. Sa kabilang banda, nagtatago ang Limang taong gulang na prinsipe kasa-kasama ang tatlong taong gulang nitong nakababatang kapatid na babae sa isang Cabinet. Bagamat Limang taong gulang pa lamang ito ay napaka talino at makapangyarihan na nito.Kaya hindi rin siya nahirapang mag cast ng spell upang walang ibang makakita sa kanila rito. Kasalukuyang natutulog ang prinsesa sa kaniyang braso. Ang maputi nitong balat na kasing puti ng nyebe, ang mapipilantik nitong pilik mata, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi, ang buhok nitong itim na itim, ang mata nitong kasing kulay ng ginto at huli ang balat na hugis dragong itim sa kaniyang tagiliran. Sinusuri at pilit nitong kinakabisa ang bawat detalye't parte ng kaniyang kapatid kahit sa huli manlang nitong pag kakataon. Naputol ang ginagawa ng prinsipe ng biglang may kumatok sa kanilang pinto. Bigla namang naalarma ang prinsipe at tinakpan ang bibig nito gamit ang kanyang palad at ingat na ingat na hindi makagawa ng anumang ingay. Tok* Tok* "Mahal na prinsipe!" mahinang pagtawag ng taga pag silbi habang kinakalampag ang pintuan. Nabosesan naman ito ng prinsipe kaya dali dali niyang binuhat ang kapatid para lumabas ng Cabinet at buksan ang pinto. "Elysia!" mahinang tawag ng prinsipe sabay yakap dito. "Asan sina mama at papa?!" nag-aalalang tanong ng prinsipe dito. "Mahal na prinsipe,ibinilin po kayo ng inyong mga magulang na dalhin sa Mortal Realm.Naka bukas napo ang lagusan kaya kailangan na nating mag madali at anumang oras ay maaari itong magsara." nagmamadaling saad ng taga-pagsilbi. "Hindi! Mauna na kayo,susunod ako!" maotoridad na sambit ng prinsipe. "Ngunit paano kayo prinsipe?!" sigaw ng Prinsipe ng unti-unting gumalaw ang paligid. "Hindi! Kailangan kong puntahan sila mama at papa! Kailangan nila ako!" hindi na nag paawat pa ang prinsipe ngunit bago ito umalis ay may isinuot itong kwintas sa kanyang kapatid. May disenyo itong gintong dragon na napapalamutian ng puting dyante na siyang simbolo ng kanilang kaharian. "Mag-ingat ka aking kapatid,hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal ka ni kuya, pangako susunod ako." sambit nito sa natutulog na kapatid at hinalikan ito sa noo nito at inantay na makalayo ang dalawa. *Boooggggshhh!* Isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat at siyang nagpagising sa natutulog na prinsesa. "Elysia, where's kuya?" unang tanong nito ng magising ito. "Kailangan na nating mag madali!" tangi nitong nasambit at nagmamadaling pumasok sa lagusan kasunod ng pag sara ng lagusan ay tinanggal nito ang ala-ala ng prinsesa. "Patawad, pero kailangan ko itong gawin. Ala-alang sa iyong kaligtasan, kailangan mo munang matulog prinsesa. Sa takdang panahon, ika'y muling magigising."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.9K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
196.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
32.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
287.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook