MAAGA akong nagising sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Inaantok na dumilat ako at hinaplos ang buhok ni Gunter na nakayakap sa akin mula sa likuran. "Love, wake up." Paos na sabi ko. Imbes na gumising, ibinaon pa ni Gunter ang mukha sa batok ko at umungol. Bumangon naman ako at bumaba ng kama. Kinuha ko ang satin robe na nakasabit sa rack, isinuot iyon saka lumabas ng kwarto namin. Madilim pa labas. Since, malayo ang biyahe— dapat nakaalis na kami before 5AM. Sakto na 'yon para makakarating kami doon bago mananghalian. Kaso tulog pa sila. Nakainom rin kasi ng kaunti kagabi yung mga boys. Anyway, may oras pa naman. Kapag ‘di pa sila gumising saka ko na bubulabugin. Dumiretso ako sa kitchen at naghanda ng kape sa coffee maker. May ginawa kaming mga girls na sandwiches na babauni

