"What are you doing here?" Hindi pa nasasagot ni Lara ang tanong ko nang sunod-sunod na may kumatok sa pintuan. Sumensya si Dessa na siya na ang magbubukas no'n Pagbalik ni Dessa kasunod na niya sina Edward, Jay at Tim. May kasama silang tag-iisang babae na mukhang girlfriends or asawa nila. “Hi! Pumasok na kami sa garage kasi nakabukas ang gate,” sabi ni Edward na lumipad ang tingin kay Lara. Kumunot ang noo niya. “What are you doing here?” Naglakad si Lara papasok at pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib. “Why not?” Nakataas ang kilay na balik tanong niya. “Baka nakakalimutan niyong kasama ako sa nagplano at naghirap gumawa ng mga paintings para sa charity na ‘to.” “Yeah, we know. Pero nagkausap na ba kayo ni Yvo?” Singit ni Jay. “Why would I? We all agreed to do this charity mont

