Chapter 4

2585 Words
“Thank you for that rock and roll performance.” The band ended their performance and started lining up in front of the judges. Mabilis akong yumuko nang mapansin kong medyo lumingon ‘yong lalaking naka-hook up ko kung saan ko nakaupo. Shit! Sa pagtatago ko napunta na ako sa ilalim ng table. Mabilis na kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ‘yong mga kasama ko sa panel na isa-isa nang nagbibigay ng mga comments nila. “You did a job well done, guys! I hope to seeing you on the next round.” Sabi ni Jessa na kinalabit ako pagkatapos. “Genesis? Hey!” Tawag niya sa akin. Tumingala ako sa kaniya mula sa pagtatago sa ilalim ng lamesa. “Y-Yes?” Her brow furrowed staring at me, weirdly. “What are you doing there?” Tinaas ko ang hawak ko na ballpen. “A-Ah, nahulog kasi ‘tong pen ko.” “Well, It’s your turn to give your verdict.” “Y-Yeah. Of course… of course! The verdict!” I smiled awkwardly. “P-Pwede bang passed muna ako?” “What? Come on! Nakakahiya naghihintay sila.” Bulong niya sa akin. Shit! s**t! s**t! It was dark! He’s probably drunk too! Ako nga hindi ko kaagad siya nakilala kundi pa ako nagising no’ng umaga. Malamang gano’n rin siya sa akin. Right! Oh, right! I took a deep long breathe before I went back to my seat. I forced a smile, focusing my attention on the lead vocal. “Well… that was an excellent performance. I really enjoyed it —“ Nawala ako sa focus nang biglang humakbang paunahan yung lalaking naka-hook up ko at akbayan yung lead vocal ng band. I still block him on my vision though. Kaso parang nanadya siya kasi itinagilid niya ang ulo para harangan ‘yong mukha ng lead vocal kung saan ako nakatingin. He then fixed his cap to see his face clearly. Oh gosh! Ang papansin naman niya! So, ano gusto niya palabasin? Pinaparating ba niya na naalala niya ako from last night Tumaas ang sulok ng labi niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “Gene?” Siniko ako ni Jessa. “That’s all! Thank you. Next candidate!” Sigaw ko sabay tinawag na ‘yong banda na susunod mag-au-audition. Natapos ang audition at nag-meeting kami ng mga judges para sa mga nakapasok sa susunod na round para sa araw na ‘to. “This one. Magaling ang bass nila.” Tinuro ni Buds ang band from AMA. “Ito sa akin. Sobrang angas ng drummer. Their choice of music really suits the competition.” Turo naman ni Warren band from Beda. “I agreed!” Pag-sang ayon ni Jessa. “Ang galing nila! Parang mga professional ‘no?” “Oo nga! I can’t take my eyes off doon sa drummer! Ah! Besssh!” Kinikilig ni singit ni Quency the flirt. Pasimpleng umikot ang eyeballs ko. “Guys, Girls! Let’s set aside our personal interest, okay? Mag-base tayo sa performance nila. I think… for me, I’m gonna choose this…” Tumingin ako sa papel ko and I was shock na ang banda rin pala ng lalaking ‘yon ang binigyan ko ng pinakamataas na points. “So?” Nakataas ang kilay na sabi ni Quency sa akin. “You’re saying?” Wala akong choice kundi um-agree sa napili nilang band! Oh, well… we all gave them the highest points. Pangalawa lang ang pambato ng school namin. Tinawag ulit sa stage yung mga banda na nag-audition at in-announce kung sino ang dalawang nakapasok sa susunod na round at babalik next week. “The Phoenix and SOS!” Tuwang-tuwa na nagyakapan yung mga nakapasok. Pagkatapos lumapit sila sa amin at nakipag-kamay. Kilig na kilig si Queency at Jessa nung makamayan ‘yong lalaking naka-hook up ko. Pilit ang ngiting inabot ko naman ang kamay niya at nag-pretend na ‘di ko siya kilala. “Congratulations! See you on the next round.” Natigilan ako nang ‘di niya kaagad bitiwan ang kamay ko. Hinila pa niya ‘yon ng kaunti saka yumuko at bumulong sa tainga ko. “May atraso ka pa sa akin.” Nanlaki ang mata ko at mabilis na binawi ang kamay ko sa kaniya. “I don’t know what you’re talking about.” Tumaas ang sulok ng labi sabay inayos ang cap bago nagkibit balikat saka tumalikod. “Anong sinabi sa ‘yo nung drummer ng Beda?” Pag-uusisa ni Jessa sa akin habang sinusundan ng tingin yung lalaki. Umiling. “Wala. Thank you raw.” Sabay dinampot na ang bag ko. “Anyway, I gotta go. Kanina pa ako hinihinta nung pinsan ko roon.” Tinuro ko si Alex na nakaupo sa bandang likuran. “To be honest, Gene. I don’t like her. She’s so noisy.” Komento pa ni Jessa. I understand her. Maingay naman talaga si Alex. Walang preno ang salita niya. At hindi pinipili ang mga sasabihin. “I’ll talk to her. Sige na. See you tomorrow!” Naglakad na ako papunta kay Alex. “Haaaay! Salamat! Natapos ka rin, Ate Gene! Gutom na gutom na ako, eh!” Maktol niyang humawak pa sa tiyan. Napailing ako. “Come on. Mag-takeout na lang tayo—“ “Gusto ko sa labas kumain!” Bumuntong hininga ako. “Okay.” Paglabas namin ng gym, napatigil ako sa paglalakad nang makitang nakasandal yung lalaking naka-hook up ko doon sa may hallway pa talaga na nadadaanan namin. Ano bang problema niya? Nakakainis! Kung natatandaan niya ko, bakit ‘di na lang siya mag-pretend na ‘di niya ako natatandaan! It should be that way! After casual hook up! Bye bye na! Ganon! Hinawakan ko sa braso si Alex sabay hinila. Napalakas yung hatak ko. Kamuntikan pa tuloy siyang masubsob sa lupa. “Aray! Grabe! Ano ba ‘yon? Bakit biglang may pag-hila?” “Doon tayo dumaan.” Turo ko sa kabilang exit. “Huh? Bakit? Mas malapit ang parking sa way na ‘to, ah?” Frustrated akong bumuntong hininga. “Basta! For once stop asking! Just follow me!” “Okay. Sorna!” Lumingon siya sa likuran. “Wait… bakit kaya tinitingnan ako nung lalaking nakaitim doon?” Pasimple akong lumingon sa likuran at nakitang nakatingin sa amin yung lalaking naka-hook up ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. “Don’t look at him! Hindi natin alam, baka mamaya rapist ‘yan!” Rapist? Really, huh? “Hala! Nakakatakot naman!” Kumapit siya sa braso ko. “Tingin pa rin talaga ng tingin sa akin. Gosh! Ate Gene! Akong ma-rape!” Napangiwi ako. Hindi ko lang masabi sa kaniya na di naman siya ang tinitingnan nang baliw na ‘yon. Sa mall malapit sa Perps na lang kami nagpunta. Hinayaan ko siyang pumili ng kakainan namin. Sa Mang Inasal siya nag-yaya. Nakakain na ako rito dahil minsan niyaya ako ni Violet. Pagka-order ng food humanap na kami ng upuan. Habang naghihintay kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-scroll sa social media. Natampal ko pa ang noo ko nang makitang naka-tagged ang profile ko doon sa in-upload na video ng audition sa page para sa battle of the bands! Hindi naman siguro ako i-stalk no’n? We just had s*x! Hanggang doon lang ‘yon! “Ate Genesis?” Lumingon ako kay Alex. “What?” “Ano bang course mo?” “Bakit?” Nagtatakang tanong ko. Nagkibit siya ng balikat. “Para magka-idea lang ako kung anong pangarap mo.” Pangarap? Wala akong sariling pangarap. Lahat naman kasi ng dapat kong gawin, nakasasalay sa kung anong makakapag-pasaya kay Mommy at Daddy. “Business Management,” sinagot ko pa rin siya. “Wow… pang mayaman..” patango-tango niyang sinabi. “May naisip na kong course.” Sabay ngumiti siya sa akin. Hindi na ako umimik hanggang sa dumating ang order namin at makakain kami. Past 7PM, nakarating kami sa condo ko. Mabilis akong nag-type sa cellphone nang mag-pop ang messenger chat galing kay Lester habang nakasakay kami sa elevator. Lester : Wer r u? Mabilis akong nag-type. Genesis : Why? Lester : Hindi kita nakita sa Perps. Genesis : Umalis ako ng maaga. Sumulyap ako kay Alex na busy rin sa pag-ce-cellphone. Genesis : I’m with my cousin. Lester : Cousin? Kahit pinili nila Mommy at Daddy para sa akin si Lester, wala akong tiwala na sabihin sa kaniya ang mga personal na bagay. Eversince, he’s an asshole. Lahat ng ipinapakita niyang kabaitan sa ibang tao kapag kaharap namin, fake. I was the only one who knows the true color of him. Genesis : Yeah. Kaya huwag ka muna pumunta sa condo. Atleast maiwasan ko man lang siya kahit ilang araw. May kabutihan rin palang dulot ang pag-stay ni Alex sa akin. The next few days, tuloy-tuloy ang pag-au-audition ng mga bands na galing sa iba’t ibang school and universities hanggang sa makapili at ma-kumpleto namin ang magic ten na mag-co-compete weekly. So far everything went well. Nag-start kaming magbukas ng ticket booths. Plano sana namin ibenta ang mga ticket, but since pumayag si Daddy at nagprisinta rin si Mommy na mag-sponsor— last live show na lang kami magbebenta ng tickets, pandagdag sa mga special award bukod sa consolation at grand prize. “Tangina! Ang sarap talaga nung drummer!” Paulit-ulit na sabi ni Violet. Kanina pa nakasunod yung tingin niya doon sa lalaking naka-hook up ko. “Kung alam ko lang na may jojowain pala dito— dzai nasa unahan ako ng pila last week pa!” In-invite ko sila ngayon dito sa gymnasium para sa first live performance ng mga maglalaban this week. Umikot ang eyeballs ko habang nakasunod rin ang tingin don sa lalaki. “He’s not my type. Mukhang dugyot.” “Hindi naman, ah.” Singit ni Jane. Napatingin na rin sa tinitingnan namin. Umikot ang mata ni Friday. “Well for me, ah? Mukhang badboy! Ayoko diyan!” “Hindi ka rin naman niyan magugustuhan! Baka ihampas pa sa mukha mo ‘yong drumstick.” Pang-aasar dito ni Violet. Napailing ako at inawat na sila bago pa magsabunutan. Mayamaya tinawag na ako ni Jessa. Mag-start na raw ang performance. “I’ll see you later, Girls!” Paalam ko sa kanila bago nagpunta na sa pwesto ko kasama ang panel of judges. Tumayo sa unahan si Chariz ang president ng student council hawak ang microphone. “Let the battle begins!” Tinawag na ang unang performer na walang iba kundi ang The Phoenix na pambato ng university nila. Naghiyawan ang mga estudyante, hawak at winawagayway ang dalang banner. Sunod-sunod na tinawag pa ang ibang participant na galing sa STI, Lyceum, Southville at St. Francis. Huling pinaakyat sa stage ang banda ng SOS from San Beda College. Isa-isang pumwesto ang mga member sa kaniya-kaniyang instruments. Kahit ayaw ko, napatitig ako sa lalaking nasa likod ng drumset. All black outfit na naman ang suot niya from his muscle tee na kitang-kita ang tattoo sleeves at well toned na braso, skinny jeans na bakat ang mahahabang binti at chucktaylor na itim. This time he’s not wearing a cap but a black beanie. Itinaas niya ang hawak na drumsticks at pinagbunggo ‘yon. “One! Two! Three!” He counted and started pounding the drums fueled by the adreline. The bass followed. The squeal of each distorted note fills the air, merging with the pulsating beat of the drums, resonates through the gym. Hindi nagpahuli ang lead vocal, he was singing his heart and souls into each notes. With the lights out, it's less dangerous Here we are now, entertain us I feel stupid, and contagious Here we are now, entertain us They are perfectly in sync. They are really good! The panel of jugdes and the crowd, nodding their heads to the addictive melody while their bodies sway in a synchronized motion. But my eyes didn’t left him a single second. Beads of sweat glistened on his arms, as he wildly banging the drums, moving his head to the beat. Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinagkrus ang mga hita. I could feel pulsating need in the middle of my thighs… Ghad.. what is happening to me? Normal ba na ma-arouse ka habang nanonood lang sa tumutugtog ng drums? Umugong ang malakas na palakpakan kaya bigla akong natauhan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pagkakita kong lumingon siya sa akin at taasan ako ng kilay na parang niyayabangan niya ako! Oh, well… may ipagyayabang naman talaga siya. Pinahilera lahat sa stage ang nag-perform. Nag-usap-usap kami sandali ng mga judges bago nagpasya kung sino ang uusad sa semi finals. “And the band who got the highest score is…” “SOS! SOS! SOS!” The crowd chanted. Lumingon ako sa gilid at nakita ko pa si Violet na kasama na yung mga taga-san beda. Para siyang katipunera doon na winawagayway yung banner na may mukha nung band member ng SOS. Grabe, FC kaagad siya? “The crowd has spoken! The band that will proceed to the semi finals is from San Beda College! SOS!” Tuwang-tuwang nagtilian ang mga tagahanga at estudyanteng sumusuporta sa bandang nanalo. Wala namang naramdamang lungkot kahit di nanalo ang pambato ng Perps. Dahil deserve ng SOS na umakyat sa susunod na round. Sports naman rin ang ibang hindi nakapasok sa semis. Maluwag silang nakipagkamay sa SOS. “Sheeeeet! Faney na faney ako, mare!” Tili ni Violet. Natawa ako. “I see you, waving their flag.” “Traitor!” Masama ang tinging sabi ni Friday. “Lipat ka na kaya ng school!” “Enough!” awat ko sa kanila. “Make love not war!” “Gene.” Kinalabit ako ni Jane. Nilingon ko siya. “Why?” “Hinihintay ka yata nun, oh.” Sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya at natigilan ako nang makitang nakatayo sa labas ng gym yung lalaking naka-hook up ko. “Bat naman hihintayin niyan si Genesis?” Singit ni Violet na humarang ang ulo sa pagmumukha ko. Tinulak ni Friday ang ulo ni Violet. Malakas ‘yong tumalsik palayo. “Baka naman ako ang hinihintay niya? Maybe, I caught his attention earlier? Dumaan ako sa harapan niya, eh.” “Wow! Ganda ka, teh? Tsaka bakit ka namamatok, ha!” Sabay hinila ni Violet ang buhok ni Friday. “Shhhh! Enough!” Saway ko sa kanila. “Baka marinig pa tayong pinag-uusapan natin siya. Keep it lowkey.” Nang malapit na kami sa kinatatayuan nung lalaking naka-hook up, sabay-sabay nagtawanan na kunwari may pinag-uusapan kaming nakakatawa. “Gagu! Ang baho ng kili-kili nung manliligaw mo na ‘yon no, Gene! Parang may anghit!” Banat ni Violet. Napangiwi ako. Pero kunwari pa rin akong tumawa. “Yeah! Yeah! I gave him nga deodorant.” “Oh, wow! You’re so thoughtful, Gene!” Pakikisakay ni Friday. “Pst!” Sabay-sabay kaming natigilan sa paglalakad sa biglang sumitsit at lumingon sa likuran. Dumiretso ng tayo yung lalaking naka-hook up ko, pinitik pa ang sigarilyong hawak bago naglakad palapit sa amin. Nagsikuhan si Friday at Violet. Parang mga ewan. “Yes?” Kaswal na tanong ko. “Mavis? Right?” That’s my second name. But no one calls me that. “Why?” Pinamulsa niya ang mga kamay sa pantalon. “Can I talk you?” “Para saan?” He shrugged. “I just wanna ask some questions about the… competition.” Kumunot ang noo ko. Hmmm… totoo kayang about sa competition ang pakay ng lalaking ‘to sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD