Chapter 5

2057 Words
I GESTURED my friends to go. Nagsikuhan at nagkatinginan pa si Friday at Violet na parang ayaw umalis. Kaso iniwan sila ni Jane kaya walang nagawa yung dalawa kundi sumunod. "Go! SOS! Sheeeet!" Pahabol na sigaw ni Violet bago hinila ni Friday ang buhok niya na nag-peace sign pa sa amin. Naiiling na kinawayan ko sila saka ako pumihit paharap sa lalaking naka-hook up ko. Nakatayo pa rin siya sa harapan ko. I must admit he's strikingly gorgeous up close with his luscious locks of hair frameing his perfectly symmetrical face, emphasizing those piercing ocean blue eyes. Tumaas ang sulok ng labi niya kaya na-distract ako sa pagtitig. Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Too late though, he already caught me staring. "So... What do you want from me?" I asked casually. "Nasa page ng battle of the bands ang mechanics ng competition and also, ipinaliwanag sa inyo nung first day, ang mga—" "Let's forget about the competition." Putol niya sa sinasabi ko, pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. "And let's talk about what you did last time." Shit! So, natatandaan niya ako? How? Madilim 'yon, ah! And wait! Ano bang ginawa ko sa kaniya, huh? Sa pagkakatanda ko kahit lasing ako, nag-enjoy naman siya sa hook up namin! Nag-come naman siya! "I don't know what you're talking about." Pagmamaang-maangan ko. Hindi ako aamin kahit natatandaan niya. Duh... wala naman siyang proof na ako ang naka-hook up niya, 'no! "Really, huh?" He took a step forward. "Stop pretending you didn't know that we hook up last night." "Excuse me?" Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Instead, pinagkrus ko pa sa dibdib ang mga braso ko. "You're mistaken me for someone else." Yumuko siya bigla at dinuro ng index finger niya ang leeg ko. "Yeah, I remember, I put mark on you there." Napaatras ako hawak ang leeg ko na humulas na ang concealer dahil sa mainit ng panahon. "Kagat lang 'yan ng lamok! Anong pinagsasabi mo?" "Malaking lamok." Sabi niyang naningkit ang mga mata. "Hindi ako gano'n kalasing. Hindi mo ako maiisahan." "I-I don't know you, okay! Huwag kang assuming! Hindi ako 'yon! And besides, you're not my type!" Pagkasabi ko no'n tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palayo. Hinihingal pa akong nakarating sa parking lot. Pagsakay sa kotse, malakas kong sinapak ang noo ko. Inuntog ko pa ang ulo ko sa steering wheel. How can I be so careless! Minsan na lang ako makipag-hook up, nakilala pa ako! And worst... magkikita at magkikita ulit kami dahil on going ang competition! Inuntog ko pa ng isa ang ulo ko sabay malakas na bumuga ng hangin. I need to make sure na hindi magsasalita at ipagkakalat ng lalaking 'yon ang nangyari sa amin. That will ruin my reputation! Siguradong ma-ba-bash ako. And my parents will kill me! Sunod-sunod akong huminga ng malalim at kinuha ang cellphone sa bag ko. Nag-scroll ako sa page ng battle of the bands at nakita ang hinahanap kong profile. Gunter... That's his name, huh? Sinearch ko ang pangalan niya sa IG. Mabilis naman 'yong nag-pop up dahil may mga common followers kami. Minsan sumpa rin ang pagiging sociable. Lahat ng university dito sa South at Manila may kakilala ako. But what can I do? I need to pleased my parents. Kaya kahit mga anak ng colleagues at business partners nila ay kinaibigan ko. V. G | 2k Followers | 0 following Tumaas ang kilay ko. Well, mas marami akong follower sa kaniya. But to think na wala siyang finofollow at limang picture lang ang nasa feed niya— he's quite famous... Mabilis akong nag-log in sa alter account ko at nag-request to follow saka magbilis na nagtype. BadGalMavs: Pst! Nakataas ang sulok ng labi na ibinalik ko ang cellphone sa loob ng bag. I will not let anyone ruin my name… Di na ako nagtagal sa parking lot at baka nagugutom na yung alaga ko sa condo. Mabuti na lang hindi na ako binubuntutan ni Alex. Pumayag siyang mag-stay na lang sa unit ko. “Ate Genesis! Welcome home!” Tuwang-tuwa na salubong niya sa akin pagdating ko. Mag-iisang linggo na siya rito. I already talked to her, na umuwi muna sa bahay para makausap si Daddy at makapag-enroll na siya. Well, dahilan ko lang ‘yon. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na kasama siya. I mean, anak pa rin siya sa labas. She’s one of the reason why my family is f****d up. “Hey.” Tipid na bati ko. “Nagluto ako ng food natin, Ate!” Masaya niyang sinabi. “Oh, you know how to cook pala?” Eh, bakit palagi siyang nagpapa-order ng food? “Ah, nanood ako sa youtube! Madali lang pala!” Ngumiti siya sa akin at pakanta-kanta pang nagpunta sa kusina para mag-ready sa table. Nahihiwagaang pinagmasdan ko siya. Wait, naka-make up ba siya? Did she also used my perfume? Amoy na amoy ko, eh. Lumingon siya sa akin. “Bakit?” Imbes na sitahin at tanungin siya, umiling na lang at nagpunta na sa kwarto para mag-shower. Natigilan ako pagpasok ko roon nang marinig ang tunog ng shower sa banyo. Kunot noong naglakad ako papunta roon. Bukas ang pinto. Sumilip ako at nakita si Lester na naliligo sa loob. Nakatalikod siya sa akin kaya ‘di niya ako nakita. “Is that you, Alex?” Tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko. Why did he expect Alex would barge into the restroom while he’s showering here? At bakit hindi niya sinabi na nandito pala siya? Imbes na sagutin ang tanong niya, tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng banyo at hinawai ang shower curtain. Gulat na napalingon sa akin si Lester. “Gene?” I crossed my arms over my chest. “What? Hindi mo in-expect na ako ang papasok rito?” I asked sarcastically. Nakabawi siya kaagad at nakakalokong tumawa bago pinatay ang shower at inabot ang towel. “Kanina ka pa dumating?” “Bakit ‘di mo masagot ang tanong ko?” “Tanong na walang kwenta?” Sarkastik niyang sagot. “Malamang si Alex lang ang kasama ko rito, iisipin ko na siya ang pumasok. “Bakit naman siya papasok rito ng walang paalam? Hindi nga kayo magkakilala! And why you didn’t tell that you’re here! Ang sinabi ko sa ‘yo huwag ka muna pupunta rito, di ba!” Hindi siya nagpatinag, tinaasan rin niya ako ng boses. “Tangina! Anong masama kung pumunta ako rito, ha! And why are you nagging at me? Sino ka ba!” Dinuro-duro niya ako. Hinampas ko ang kamay niya. “You don’t have the rights to do that to me—“ pero ‘di ko natuloy ang sinasabi ko nang itulak niya ako. Dahil lakas ng pagkakatulak niya sa akin, nawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig ng shower. “Wala ka ring karapatan na bungangaan ako.” Dinuro niya ‘ko. “Hindi pa kita asawa.” Pagkasabi nun lumabas si Lester sa banyo at iniwanan akong nakasalampak sa sahig. Galit akong tumayo at sumunod sa kaniya. Naabutan ko pa siyang nagbibihis. “Leave the f**k out of here!” Gigil na sabi ko. Nilingon niya ako sabay nag-dirty finger. “f**k you.” My teeth clenched. I was ready to s***h out on him when the door opened. Sumilip doon si Alex. “Ate? Kuya?” Nagkatinginan kami ni Lester. Ang siraulo biglang ngumiti na akala mo mabait na tupa. I did the same though. “Yes?” I asked her, forcing a smile. “Nakapag-ready na ako sa dining! Let’s eat!” Pumasok siya sa kwarto at lumapit kay Lester saka hinila ang braso nito. “Tara na, Kuya!” “Sure!” Sagot ni Lester. “Come on, Babe!” Baling niya sa akin habang papalabas sila ng kwarto. Ngumisi pa siya sabay parang asong dumila-dila habang tinuturo ang parteng ibabang ni Alex. Tinitigan ko siya ng masama. This is not good. Kailangang mapauwi ko na si Alex para mailayo siya kay Lester. He’s a monters. SUMABAY pa rin ako sa kanila sa pag-kain para hindi mag-isip ng kung ano si Alex. Pansin ko na mas maingay at panay ang ngiti niya habang nakikipag-usap kay Lester. Hinayaan ko lang siya, but I also stayed with them kahit ang totoo gusto ko nang pumasok sa kwarto dahil nabubwiset ako kay Lester. “Alex, let Kuya Lester go na. May pasok pa siya bukas. Di ba, Babe?” Simpleng pagpapaalis ko sa kaniya. Pasimple niya akong sinamaan ng tingin pero wala rin nagawa kaya tumayo na rin. “Right! Babalik na lang bukas. Mag-isa ka lang ulit dito, Alex?” “Oo, Kuya! Nasa school si Ate Genesis, eh!” “Good! I’ll be here tomorrow.” “Waaah! Thank you, Kuya!” Yumakap sa kaniya si Alex. Gumanti ng yakap si Lester. Sumulyap pa siya sa akin at ngumisi habang pasimpleng hinahaplos-haplos ang likod ni Alex. I looked at him in disgust. Pagkaalis na pagkaalis ng bwiset, tinawagan ko kaagad si Daddy. “Hello, Genesis?” “Dad, please pick up Alex tomorrow.” “What? She’s still there?” My brow furrowed. “Hindi mo alam?” “No. I was on a business trip. I thought she’s at home already. Sinend pa niya sa akin ang mga kailangan sa school.” Napabuntong hininga ako. “Just pick her up. I can’t focus on my studies.” “Okay. Ipapasundo ko siya sa driver.” Hindi na nagtagal pag-uusap namin ni Daddy. Pagpunta ko ng kwarto, naabutan ko pang gising si Alex. “Pack your things. Susunduin ka na bukas ng driver natin.” “Ano?! Ayaw ko pa umuwi—“ “You will go home or I’ll get mad at you?” Mariing kong putol sa sinasabi niya. Hindi na siya nakapagsalita dahil nakita niyang galit na talaga ako. Kinuha na lang niya ang bag at nagsimulang mag-empake… THE NEXT day, maaga akong nag-text sa driver na sunduin na si Alex, which he did. Past 6AM, kumatok na sa unit ko si Manong Bert. “Alex! Nandito na ang sundo mo!” Lumabas siya ng kwarto bitbit ang isang bag na malaki. She’s not her usual self of course. Tahimik siya at walang emotion ang mukha. “Wala ka ng naiwan?” Tiningnan niya ako. “Bakit ka ganyan?” Kumunot ang noo ko. “What?” “Gusto lang kitang maka-close pero pinagtutulakan mo ako. Dahil ba nagseselos ka, ha?” “Ano?” Hindi makapaniwalang sabi ko. “At saan ako magseselos?” “Dahil close kami ni Kuya Lester? Dahil alam mong kapag nag-stay ako rito, mas magugustuhan ako ng mga friends mo kesa sa ‘yo?” Hindi ako nakapagsalita kaagad. Whoa! Where’s that coming from? I treated her nicely, kahit nag-stay siya rito ng walang paalam. Bakit parang nakikipag-compete siya sa akin? “What are you trying to imply, Alex? That I’m jealous of you?” “Hindi ako nagsabi niyan, ah…” Napailing ako. “Think whatever you wanted to think. But you’re not safe here with Lester around. So, mas mabuti na umuwi ka na. And besides, di ka naman pala nagpaalam kay Daddy.” “S-Sinabi mo sa kaniya?” “Yes, I called him.” Namutla siya bigla. Pagtapos sinamaan ako ng tingin. “I hate you!” She hissed. “Darating ang time, magkakapalit rin tayo!” Sabay nagmartras paalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makasakay sa elevator. She pitied her. Hindi alam ni Alex ‘yong privileged na magkaroon ng freedom. Yung privileged na maging totoong sino at ikaw… Napapailing na bumalik na ako sa loob ng unit at naligo. Pumasok ako sa pang umaga kong subjects. Bandang hapon, namigay naman kami ng mga kasama ko sa org ng tickets para sa next live show. I was scrolling through my phone when a notification popped up. V. G accepted your follow request! Mayamaya nag-pop up naman ang message notification. Kaagad ko ‘yong binuksan at binasa V. G: ? Mabilis akong nagtype sa cellphone ko. My main goal is— i-flirt ang lalaking ‘to know what his weaknesses are! Then ‘yon ang ipang-ba-blackmail ko para ‘di niya ipagkalat ang nangyari sa amin! Napangiti ako sa sarili pagkapindot ko sa send button. BadGalMavs: What’s up, Handsome? :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD