CHAPTER 1: PAALAM MAMA
Umaga pa lang pero mainit na yung luha ni Mama Rosa sa pisngi ko.
“Anak... aalis ka na... 6:00 AM yung sundo mo... papasok ka na sa Blackwood Academy... scholar ka... kasi ang talino mo"
Totoo yun. Top 1 ako. Kahit araw-araw ako naglilinis ng CR ng mga babae sa skwelahan. Kahit lagi akong puyat kakatulong kay Mama Rosa sa paglalabandera nya. Kahit binubuhusan ako ng mga kaklase ko ng juice sa hallway. 98, 99, 100 grades ko.
Kagabi, alas-11 ng gabi, may kumatok sa barong-barong namin. Tatlong lalaki. Naka-itim. Hindi nagpakilala. Inabot lang kay Mama Rosa yung itim na sobre.
Nakasilip ako sa siwang ng pinto. Nakita ko.
Itim na sobre. Ginto yung sulat. Wax seal rosas na nasusunog.
Pagbukas ni Mama Rosa, isang linya lang yung laman:
“She’s 17. She’s ready. 6:00 AM. No questions.”
Pagkabasa ni Mama Rosa, nabitawan niya yung sobre. Napaluhod siya sa sahig na lupa. Hagulgol. “Hindi... hindi pa ako handa... bata pa siya... akala ko may oras pa...”
Tapos tumingin siya sa akin. Umiiyak. “Anak... may ibibigay ako sayo...”
Inabot niya sa akin yung kwintas. Luma. Gasgas. Pero yung pendant... rosas na nasusunog. Ginto. Totoo.
“Sinuot mo to nung baby ka pa anak kaya ibibigay ko to sayo ngayun at ingatan mo yan, bigay siguro yan ng nanay mo " Sabi niya.
" Okay po Ma iingat ko po yan". Yakap lang niya ako buong gabi. Parang huling gabi na.
KINABUKASAN
Andito kami sa labas. Tatlong itim na SUV sa tapat ng barong-barong namin. Walang plate number. Tinted lahat. Tahimik yung buong eskinita. Walang kapitbahay. Walang usyoso.
Ako, nakatingin sa reflection ko sa bintana ng SUV.
Naka-salamin ako. Makapal. Itim na frame. Binili ni mama sakin sa divisoria. Hindi malabo mata ko. 20/20 ako. Pero kailangan ko ‘to.
Tapos... contact lens. Kulay brown. Binili ko sa palengke. P50. Tatlong beses ko na nagamit. Mahapdi. Pero kailangan.
Para itago yung green eyes ko.
Bakit?
Kasi sa school ko nung First Day ko, wala pa akong salamin. Wala pa akong contact lens. Nagpulbos ako. Nagsuklay ako. Kasi sabi ni Mama Rosa “Magpaganda ka, anak. Para makahanap ka agad ng mga kaibigan"
Mali siya.
Pagpasok ko sa room, lahat napatingin. Kasi green yung mata ko. Hindi brown. Hindi black. Green. Parang dahon pag tag-ulan. Parang ilaw sa dilim.
“Ang ganda ng mata niya... parang pusa...”
100 ako sa Math.
“Cheater! Kasi demonyo mata niya!”
Nanalo ako sa Quiz Bee.
“Lumayas ka, demonyo! Bumalik ka sa impyerno!”
Sinabunutan ako ni Trina.
“Tanggalin mo yang mata mo! Nakakatakot!”
Pinunit uniporme ko.
“Para hindi ka na mag-aral! Para bumagsak ka!”
Simula nun, nag-contact lens na ako. Brown. Para normal. Para hindi ako mapansin.
Tapos nag-salamin pa ako. Para mas pangit. Para mas bobo tingin nila.
Akala ko... pag pangit ako... titigilan nila ako.
Hindi. Lalo lang lumala kasi Top 1 pa rin ako kahit naka-salamin. Lalo akong kinaiinisan.
Kaya ngayon, papunta akong Blackwood... dala ko pa rin yung salamin. Dala ko pa rin yung brown contact lens.
Kasi takot ako.
Takot ako na pag nakita nila yung green eyes ko... ulitin nila yung ginawa sa akin sa dati kong skwelahan.
Mama Rosa, hinawakan niya mukha ko. Yung magaspang niyang kamay, nanginginig.
Bumalik ako sa reyalidad ng mag salita si Mama Rosa
“Anak... tandaan mo ‘to... oo, scholar ka. Oo, matalino ka. Deserv mo yan. Pero...” Lumingon siya sa mga SUV. Bulong. “...hindi lang yun yung dahilan. Hindi ko pwedeng sabihin kung ano. Nangako ako. Pero... pero pag nandun ka na... mag-iingat ka. Wag ka magtitiwala kahit kanino. Wag mo tanggalin yang salamin mo. Wag mo tanggalin yang contact lens mo. Hangga’t... hangga’t hindi mo pa alam kung sino yung kakampi... at kung sino yung kalaban.”
Ako, tumango. Kahit hindi ko maintindihan. “Opo, Ma. Hindi ko tatanggalin. Magpapangit ako. Para hindi ako mapansin. Para... para makatapos ako. Para makabalik ako sayo.”
Umiling si Mama at umiyak lalo. “Wag mo na isipin yung pagbalik, anak. Isipin mo lang... mabuhay. Yun lang. Mabuhay ka. Kahit... kahit hindi mo na ako makita ulit...”
Nanigas ako. “Ma! Anong sinasabi niyo? Babalikan kita! Pangako!”
Hindi na siya sumagot. Yakap na lang niya ako. Huling yakap. Higpit na higpit. Parang sinisiksik niya yung 17 years na pagmamahal niya sa isang yakap.
Tapos... tinulak niya ako palayo. Marahan.
Pilit ngumiti si Mama basang-basa na sya ng luha “Sige na, anak. 6:00 AM na. Nandyan na sundo mo. Wag mo na ako lingunin. Kasi pag lumingon ka... baka... baka hindi na kita kayang paalisin.”
6:00 AM. SAKTO.
Bumukas yung pinto ng gitnang SUV. Walang bumaba. Walang nagsalita. Walang pangalan. Walang mukha. Itim lang lahat sa loob.
Lumingon ako kay Mama Rosa. Isang beses. Huli.
Nakatalikod na siya. Nakasandal sa poste ng ilaw. Umiiyak. Hindi na siya nakatingin.
Tama siya. Pag lumingon ako... hindi ko na kaya umalis.
Kaya talikod na ako.
Hakbang na ako papunta sa SUV.
Bitbit ko yung luma kong bag. Dalawang damit. Isang tsinelas. Isang kwintas na rosas na nasusunog.
Pagpasok ko sa SUV, sarado agad yung pinto.
Bag.
Hindi ko nakita kung sino nagsara. Hindi ko nakita kung sino driver. Basta umandar na.
Tahimik. Tumingin ako sa bintana.
Paalis na kami
Paalis na ako kay Mama Rosa.
Paalis na ako sa barong-barong.
Papunta na ako sa Blackwood Academy.
Hindi ko alam kung anong meron dun.
Hindi ko alam kung sino naghihintay.
Hindi ko alam kung bakit “ready” na raw ako.
Ang alam ko lang....magsisimula pa lang.
HARAP NG BLACKWOOD ACADEMY GATE.
Tumigil yung SUV.
Paglingon ko sa labas...
Gate na ginto. Pader na marmol. Crest na rosas na nasusunog.
Pareho nung nasa kwintas ko.
Huminga ako ng malalim.
Hinawakan ko yung salamin ko. Siniguradong maayos.
Tapos... bumukas yung pinto ng SUV.
Oras na para bumaba.
Oras na para pumasok.
Oras na para... magpanggap.
Lumapitin ako sa gate. Bukas na ng konti. Hindi ko napansin kanina. Mga isang dangkal. Kasya yung katawan ko.
Walang guard na humarang.
Walang teacher na sumalubong.
Bukas lang sya na para bang naghihintay sakin haha
Parang sinasabi “Pumasok ka kung kaya mo. Umatras ka kung duwag ka.”
Hinawakan ko yung kwintas ko ulit at sinuot at tinago sa ilalim ng damit ko at sakto hindi na sya kita.
Nanay ko.
Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam pangalan niya. Hindi ko alam mukha niya. Ang alam ko lang... si Mama Rosa yung nagpalaki sa akin.
Siya yung nagpuyat pag nilalagnat ako. Siya yung nagtahi ng uniporme ko pag napupunit. Siya yung sumisigaw sa mga teacher ko pag binabagsak nila ako kahit 100 ako.
“Ma... para sayo ‘to. Para hindi na tayo maglalaba ng damit ng iba. Para hindi na kita makitang umiiyak. Para... para maging deserving talaga ako.”
Tapos... humakbang na ako.
Pumasok na ako sa Blackwood Academy.
Unang beses.
Walang kakilala. Walang kaibigan.
Sana magkaroon ako ng mga kaibigan.
Sana hindi ako mabully sa school nato.
Sana mababait mga teachers dito
Ang dami kong sana sa isip ko. Pagkapasok ko sumara yung gate sa likod ko.*
Kalabog.
Malakas. Mabigat. Grabe automatic pala dito sumara kahit walang tao. Sana all mayaman
Sabi nung boses sa loob ko: “Wag ka yuyuko.”
Kaya dumiretso lang ako ng tingin.
Sa harap.
Sa malaking building na marmol.
Sa mga bintanang salamin na... parang may mga matang nakatingin sa akin mula sa loob.
Naglalakad nga ako habang nanginginig kinakabahan ako wala akong alam ni isa tungkol sa skwelahan nato.
Wala rin naman sinabi si Mama Rosa sakin.
Wala akong nakikita.
Wala akong naririnig.
Pero ramdam ko...
May naghihintay sa akin sa loob.
Hindi ko alam kung sino. Hindi ko alam kung ano.
Ang alam ko lang...
Simula na.
Nandito na ako sa Blackwood Academy.