Chapter 37

2211 Words
Chapter 37 – Unsupported Facts          Today is the scheduled interment of General Claridades. Maraming nakipag libing. A lot of people wanted to see him for the last time - his mistahs, friends, classmates, relatives, and the people he had helped. People gave their remarks – speaking of how kind he has been and the deeds he has performed for the organization. As his family grieved over his coffin, I stood alongside them – emotionless. I feel so damn drained while we are rendering our final salute to him. Iniabot ang flag sa kanyang asawa na masinsin na itinupi pa-tatsulok. When she held it, she broke down to tears. Bakas sa kanilang pamilya ang hindi pagkapaniwala sa biglaang pagpanaw ni General Claridades. Maging ako ay hindi pa rin makapaniwalang namatay sya sa harapan ko at wala akong nagawa.         As his coffin is lowered on the ground after the eulogy, we exchange turns on giving out flowers for his grave. A lot of crying and wailing filled the place. Kahit si nanay ay humahagulgol sa pagkawala ng kaibigan ni Tatay. As I threw a white rose that had hit his coffin, I felt deep remorse. I felt as if I was as useless as I was years ago when my Tatay died. When the gunshots filled the air as part of sending him off, I felt a thud inside my chest. Para bang nagging iyon ang tunig ng baril na kumitil sa buhay nya. Memories of that night came back to me playing like an old tape. Pagkatapos noon ay sasalit naman ang tawag mula kay Tatay noon. It went on inside my head, triggered by the shots fired.        Panic started to creep in. My hands started to shake and I feel the need to cry but I tried to practice my breathing the way my therapist told me to. Sinubukan kong pabagalin ang hingal kong paghinga. Mabuti nalang at nakayanan kong pakalmahin ang sarili ko. I cannot have an attack. Not now, not here. I cannot let anybody know about my condition.         Natapos ang seremonya nang ganoon na lang. Unti unting lumisan ang mga nakipag libing. Hinintay namin ng kanyang pamilya na tuluyang maisarado nang lupa ang hukay nya. We watched the cemetery people do their jobs. No one spoke but tears were the language that each one shared. I still did not allow my emotions to take over. I just wanted to stay strong.        Nagulat na lamang kami nang biglang may sirena nang pulisya na pumaparada sa di kalayuan. Iniluwa noon ang lima hanggang anim na miyembro ng PNP. Lumalakad sila papalapit sa amin.   “They here for the burial?” Tanong ng panganay na anak ni General Claridades na si Attorney Agatha.   “What’s with the sirens?” Takang tanong ng bunso na si Paulo.       Nagkatinginan na kami ni Agatha. We knew something was off pero hindi kami nagsalita. Kung makikiramay nga naman sila, bakit kailangan patunugin ang sirena?   “Good afternoon ho.” Bati ng isang may nameplate na Sercado.      Tumango lang ang asawa ng heneral sa pagbati sa kanya. Hawak hawak ni Tita ang litrato ng asawa habang pinupunasan ang kanyang luha.   “Ma’am narito ho kami regarding sa case ni General Claridades.”         Lumapit si Agatha sa kanila.   “Are you here to inform us for any progress?” tanong ni Agatha.       Tumingin sa akin ang pulis nang may laman.   “Narito ho kami para arestuhin si Lieutenant Oridala dahil sya ang main suspect sa krimen.” Utas nang pulis.       Muntik na mahulog ang panga ng lahat sa sinabi nya.   “Anong sabi mo?” Hindi ko makapaniwalang utas. “Ako ang key witness sa krimen. Hindi ako ang kriminal!”   “Ma’am ito ho ang utos sa inilabas na order. Kailangan nyo ho sumailalim sa interrogation at ballistic test.” Wika nya.        Gusto kong manlumo at sumigaw pero nabingi ako bigla.   “Are you crazy?” Sigaw ng asawa ng heneral. “Foster daughter namin si Rilea! She would never hurt my husband!”   “Hindi nyo pwedeng arestuhin ang anak ko!” pagtatanggol ng nanay ko sa akin.   “This is insanely absurd!” Komento ni Agatha.         Natulig ako sa walang humpay na sagutan ng magkabilang panig. Ayaw akong iturn over ng pamilya ng heneral. They know I can never afford to commit such crime. Hindi ako ganung klaseng tao. Hindi kaya ng sikmura kong pumatay ng inosente, what more with a man that I look up as my father? Whoever made this twisted plot is bullshit!        And yet I know that we cannot bargain with the orders. Sundalo ako. Alam ko ang protocol nang ganito. Sapat na sa akin na inosente ako sa pamilya ng tatay tatayan ko. Maging bulag man ang batas sa akin, wala na akong pakialam. Lalabas ang katotohanan at papatunayan kong wala akong alam sa nangyari. Pero kailangan kong maging maingat. What the General discovered was confidential. He was killed for it. Hindi man nya iyon nasabi sa akin, aalamin ko iyon sa abot ng makakaya ko. Pero sa ngayon, kailangan ko muna isettle itong issue na ito.       Whoever we are up against makes sure that the vital info won’t spill. I have to know what that is. And I’ll be sure to find who the f**k we are up against. Kahit sino pa sya at gaano pa kalaki ang kailangan kong banggain, hindi ako mag aatubili. I promise upon your grave sir, I will give you the justice you deserve.   “Tama na.” awat ko sa sagutan.       Tinignan ako ng lahat.   “Sasama ako sa inyo. Tigilan nyo na sila. Let them grieve in peace. Respetuhin nyo naman ang mga namatayan.” Baling ko sa mga pulis.   “Rilea---“ Awat sa akin ni Tita Alaine, asawa ng Heneral.   “Tita, don’t worry.” I gave out a fake smile. Binalingan ko din ang aking Ina na nag aalala ang ekspresyon ng mukha. “Kaya ko ang sarili ko.”       Nilagyan ng posas ang aking mga kamay dahil considered daw ako as high profile dahil kaya kong tumakas considering my skills and knowledge. Hindi ko maintindihan ang rationale dahil sumuko naman ako ng kusa at hindi nanlaban. Pero dahil ito ang protocol nila, hindi na ako umalma. Wala akong balak tumakbo. Duwag lang ang gagawa ng mga ganong hakbang. I am not a coward.   “Hindi kita pababayaan, Rilea. I promise over my Dad’s grave.” Saad ni Agatha bago ako tuluyang umalis.   “Mag-ingat kayo. Trust no one.” May diin kong bilin kay Agatha as they could be at risk as well.       Niyakap nila akong lahat bago ako ipasok ng mobile ng mga pulis at idirecho sa kanilang istasyon. I was put to a cell separate from other prisoners. Ang sabi sa akin ay bukas na raw isasagawa ang mga kakailanganin sa akin dahil nag wakas na ang office hours.         Nilinga linga ko ang kinaroroonan ko. Maliit at may kulob na amoy. May maliit na bintana na nasa itaas na bahagi, sapat lang upang bigyan ako ng kaunting sinag ng buwan o araw mula sa kalangitan. Hinawakan ko ang malamig na rehas. Naririnig ko ang kantyawan ng ibang nakakulong sa kabilang selda. Unang gabi ko pa lang ay ganito na ang nararamdaman ko.        So, this is how it feels like to be imprisoned. Never in my life had I imagined to go behind bars. Ako ang isa sa nagpapatupad ng batas at nag-uuphold sa mga probisyon nito. Hindi ko akalaing kahit ako ay tatraydurin nito. Minsan gusto ko nang maniwala na dapat nang sukuan ang pamamalakad ng hustisya ng bansa. Hindi lahat ng nasa piitan ay may sala. Mayroon lang talagang mga nagpapaikot sa sistema. Hindi ko alam kung bakit ako ang gustong idiin rito. Malamang ay dahil alam na ng kung sino man iyon na may ala mako kahit hindi pa kabuuan.         As I sat on the lonely corner of the cell, I cannot help but cry. I feel like a total failure. Pakiramdam ko, lahat ng pinaghirapan kong mga achievements na nakamtan ay walang silbi. Parang lahat iyon ay nadungisan nang isang gabing pagkukulang. Parang lahat ng buhay na naisalba ko ay walang saysay sa buhay na hindi ko nailigtas. Above all people, I could not save the man who stood as my father. He built me to who I am today. He guided me through every step of this path. And what have I done? I just stood there frozen when he was shot. And now, where was I? Pinagbibintangang pumatay sa sarili nyang tinuturing na Ama.        I held my head between my hands as I bowed and curled up to a ball. Hinga. Kailangan kong huminga. Kung hindi ay susumpungin ako ng sakit ko.     “Putangina. Kailangan ko pa ba kayong gamitan ng ranggo?” Napabalikwas ako ng marinig ang pamilyar na boses.       Maya maya pa ay nakarinig ako nang mabibigat na hakbang na mula sa combat boots papalapit sa aking selda.   “Rilea.” Napatayo ako agad nang makita si Captain Riego del Mundo.   “Captain.” Utas ko sa ranggo nya.         Lumapit ako agad sa rehas kung nasaan rin sya naroroon. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala habang tinitignan ako. Nagmura sya ng malutong at kinagat ang labi.   “Anong ginagawa mo dito?” I asked.   “Nag sight-seeing.” Sarkastiko nyang sabi.        Ngumiti ako nang matipid.   “Liked the view?” tanong ko.   “I like you but not the view.” He replied.           Inirapan ko lang sya bilang tugon. Wala man sa lugar ang banat nya, I feel comforted that there is someone I know that came here to see me.   “Ilalabas kita dito.” Sabi nyang seryoso.   “Makakalabas ako with or without you. Wala akong kasalanan.” Tugon ko sa kanya.   “Alam ko. Pero kung sino man ang may pakana nitong lahat, hindi sya basta basta. Kailangan natin maging maingat. We can be manipulated. You are the key witness one moment, but now you’re the lead suspect. Ganoon kadali mabago nang taong ito ang mga sitwasyon.” Sabi nya sa akin.     “Alam ko. At alam kong minamatyagan nya ako palagi. Binabantayan ang mga kilos at hakbang ko. Pwede nya akong patayin kahit anong oras nya gustuhin. Hindi ko alam kung bakit hindi nya pa iyon ginagawa.” Tugon ko kay Riego.   “Hindi ko sya papayagang gawin iyon.” Sabi nya sa akin.     “Sir, pasensya na ho talaga kayo. Kailangan nyo na talagang umalis.” Untag ng isang pulis.       Kinagat ni Riego ang labi sa inis.   “Babalik ako bukas, I promise.” He said.      Tumango lang ako at minasdan syang lumisan nang naiinis. Palagay ko ay mananapak sya ng pulis sa inis nyang iyon. Nagsisimula na naman gumapang ang lungkot nang bigla kon marinig ang kung anong kaluskos mula sa bintana. Natanggal ang rehas na bakal na nakaharang doon at napaatras ako. Sisigaw na sana ako ng tulong nang iluwa nang bintana ang mukha ni Chaos mula sa dilim.     “Anong ginagawa mo?! Baliw ka ba?” Pagalit kong tanong sa kanya na hinihinaan ang boses.      Luminga linga ako sa labas dahil baka may makakita sa kanya dito at mas malalagot kami.   “Ang tagal tagal kasing umalis nyang del Mundo na yon. Kanina pa ako nandito.” He exclaimed.   “You should have gone to the door too. Forced entry yan! Mapagkakamalan pa akong tatakas.” Saad ko.   “Tss. Edi napaalis din ako agad? Wala kang makakasama dito. Paano pag sinumpong ka ng episodes mo?” He said sincerely.         Natahimik ako. He was really thinking about my depressive episodes and PTSD. Alam nyang anytime ay maaari akong sumpungin dito sa loob ng kulungan.          Naupo kaming dalawa sa pinaka sulok na bahagi dahil mas madilim doon at hindi sya madaling makikita.   “Anong plano mo?” He asked.   “Wala.” I replied. “Alam ko namang hindi ako magtatagal dito. Lalabas at lalabas rin ang totoo. Malinis ang konsensya ko. Hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon sa taong tumayong Ama ko.”   “We know that, Ril. But how do you plan to put up with their unsupported facts?” he said.         Natahimik ako. Tama si Chaos. The fact that I am there on the crime scene already makes me questionable. Hindi ko din naman pwedeng sabihin na pinapunta ako ni General Claridades doon dahil may sasabihin sya sa akin. Dahil kapag naungkat iyon, maaaring matunugan ng kalaban na may alam na ako. Kailangan maging stealth lang lahat ng galaw ko. kailangan akalain nilang wala akong alam na dapat nila ipangamba. They should think that I am not after them or chasing them. Kaiangan paniwalain ko silang wala akong habol sa kanila. Pero kung ganoon ang gagawin ko, mas mahihirapan akong ilabas ang sarili ko rito dahil wala akong konkretong dahilan upang iexplain ang presensya ko doon sa lugar na iyon.   “Sleep, maybe.” Ngumiti ako sa kanya at saka sumandal sa pader.   “Okay then.” He answered and sighed. “Matulog ka na. Babantayan kita.”          With that said, I drifted myself to sleep hoping that I can dream of the solutions to these tied knots.   --- sereingirl                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD