Chapter 38 – Good is Evil
I slept soundly last night. Probably because of the feeling of security and comfort that Chaos gave me as he stood guard. I did not have nightmares too. It was just a deep, sound, sleep. Pakiramdam ko ay matagal na akong hindi nakapag pahinga nang ganoon katagal at kapanatag. Most nights, I sleep very shallow and even the slightest hint of sound would wake me up. Kaunting galaw at kaluskos ay agad akong napapabalikwas. Ayoko rin naman kasi lunurin ang sarili ko sa tranquilizers at sedatives na nireseta sa akin ng therapist ko. I do not want to be a drug dependent ass. I am more than this depression or this f*****g PTSD.
When I woke up this morning, there is no longer a trace of Chaos around or the way he broke through. He didn’t even manage to bid me goodbye. Balik sa ayos ang bintanang kagabi lang ay detached ang rehas. Walang ebidensya o bakas na may nagtungo rito upang samahan ako sa magdamag. That’s good in my opinion dahil kung mayroon man syang iniwang trace ay maaari pang ikadagdag ng duda sa akin. That’s the least na gusto kong mangyari.
The tests run smoothly as I cooperated well. I hated ballistics test but I had to do the paraffin for the sake of being out of the suspect list. Pakiramdam ko ay manhid sa sakit ang kamay ko sa init ng melted wax. Hiningi rin muli ang statement ko and I just gave the same exact one that I have given the first time. Wala akong binago, dinagdag o binawas. That’s the goal. I have to remain as constant in terms of the things that I give off. That way, walang maghihinala sa naging takbo ng paguusap naming ni General Claridades.
After such a long day, Agatha came in to visit me at the designated visiting area. She looks like she’s been working all day too. She gave me a hug before we both sat on the chairs.
“How are you here? Bukas pa lalabas ang resulta ng ballistics so I can’t get you out today. You have to remain in their custody until you’re ruled out of the list. I did everything to make it as fast as I can but that’s the fastest timeline we can have. 24-72 hours talaga ang turnaround time ng forensics, I’m sure you know that already.” Masinsin nyang paliwanag sa akin.
Ngumiti ako ng matipid sa kanya. She looks so pressured to get me out. Tama nga ako, she was working while I was running the tests. Alam kasi ni Agatha kung gaano ako kamahal at kahalaga sa Papa nya. Above all, she knows that I will never commit such a horrendous crime. Not with our father. I can see that she is trying, and that is enough for me. Another night in that dark prison cell won’t hurt this soldier’s butt.
“I’ll be fine, Agatha. Everyone has been okay with me. Ako pa ba? Kaya ko ang sarili ko. I’ve survived plebehood in PMA, what more with just a funny prison cell.” I reassured her.
“That’s still something to worry, Rilea.” She said. She bent her head over to reach me across the table and started to whisper. “Whoever is behind this wants you to be out of the way. I think that this is like a fair shot warning to you of what he or she can do. Sino ba ang kaaway nyo ni Papa? Who are you two up against to have reach this far cruelty?”
Napalis ang ngiti kong pineke ko bago ko ibigay sa kanya. My blood seemed to rush quickly. Naalala ko ang huling mga salita ni General Claridades bago sya tuluyang lagutan ng hininga.
“I-island. W-war.”
Those words are my only starter fuels to get where I need to be. They cost a life to say, and it cost me an imprisonment to hear it. Dalawang salita lang iyon pero pwede nitong baguhin ang takbo ng lahat sa isang iglap lang. Kaya nitong bumawi ng buhay nang ganun ganun na lamang. Kahit mabigat itong sarilihin at buhatin mag-isa, wala akong ibang choice. Wala nang ibang madadamay pa dahil sa mga salitang iyon. Hindi ko na hahayaan na may mga malapit sa akin na mapahamak. I will fix this mystery with my own hands. Lulutasin ko ito sa paraang alam ko at kaya ko. Hindi ito ipagkakatiwala sa akin ni General Claridades kung hindi ko kaya. Above all people to call upon, he chose me.
“Listen, Agatha.” Masinsin kong utas. “I can’t tell you anything because I might risk your life for it too. But I promise you this…”
Hinawakan ko nang mahigpit ang mga kamay nya at tinignan sya nang seryoso sa mga mata. Her eyes resembled her father’s. And for a moment, I felt like I was looking right through General Claridades’ eyes. I felt that I was talking to him and giving him my word to hold.
“I will give justice to your father’s death.” Saad ko. “Just trust me.”
She nodded her head as a tear fell from her eye. Bakas sa mata nya ang sakit sa pagkawala ng kanyang ama. I wonder if people saw that pain through my eyes too. I wonder if they cared the way I cared about Agatha’s pain now.
“Alam ko… alam kong hindi mo bibiguin ang Papa natin, Rilea. He counts on you, so will I and the rest of our family.” She told me knowingly. “If there is anything that I can help you with, just let me know. Anything.”
“I will let you know.” Saad ko.
After our conversation ended, I was directed back to my designated custody cell. She left me, saying that she’ll see me soon and that she’ll look after our family.
Nakatunganga ako sa bintana na ngayo’y liwanag ng palubog na araw ang ipinapakita sa akin. It signals that another day has ended. I survived another day. Hindi ko nalang dinnamalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako nang sumunod na araw nang dahil sa anunsyong makakalaya na ako. Kumalansing ang rehas dahil sa susi nang nagbukas nito. Dala dala ng pulis ang magandang balita sa araw na ito. Lumabas na raw ang resulta ng mula sa forensics lab. Negative ako sa gun powder test at ang bullet trajectory study ay pabor rin sa akin. I was diverted back to being the key witness of the crime. Linis na ang pangalan ko sa pagiging suspect sa kaso.
“Rilea.” Nakangiti akong sinalubong ni Captain Riego del Mundo na nakaupo sa lobby.
“Captain.” Tugon ko.
“Sa akin ka na ipinagkatiwala ng HQ. I volunteered to fetch you. Ako nang bahala mag ayos ng mga kailangan gawain dito. I know it already has been too draining for you.” He uttered.
Tumango nalang ako at ngumiti. I sat on a far corner as Captain Riego del Mundo talked with a series of men. A part of me wanted to see another face around. But now is no time to have a long face. Chaos must be dealing with something now that I am not around to be their leader. Nakakahiya na masyado ang nangyayari. I was not performing the way I should be. Inaayos na ni Riego ang mga papel ko. Makakalabas na ako at masisimulan ko nang maresolba ang kaso ni General Claridades. I can also start to get back to work with the GAICS. Maybe they can also be of help to me, lalo na si Chaos. Mas mapapabilis nila ang proseso ng paghahanap ko sa mastermind sa lahat ng ito.
Nilingon ko si Riego at kinindatan nya ako nang may kasamang ngiti. Ngumiti na lang ako pabalik sa kanya.
“Lieutenant Rilea Oridala?” a random policeman approached me and waved off my thoughts.
“Ano yun?”
“Kailangan nyo raw hong pirmahan pagtapos ay ipasa nyo ho doon sa harap.”
Tumango ako at inabot ang papel. Umalis na rin ang pulis sa harapan ko kaya sinimulan ko na itong basahin.
2Lt. Rilea Oridala,
Watch your steps after. Choose a wise path. Sometimes, good is evil.
Nanginig ang mga daliri kong hawak hawak ang typewriting na iniabot ng pulis. Rinig ko ang pintig ng puso ko. Buong bond paper ay ganoon lang paulit ulit ang sinasabi. Tatlong mga pangungusap. Paulit ulit na nakaimprenta kaya kanina ay inakala kong isang tunay na dokumento legal. Puno ang papel nang paulit ulit na mga salita. Sinadyang pag mukhaing dokumento. Tinitigan ko ito nang ilang segundo bago ako mabilisang tumayo at tumakbo patungo sa direksyon ng pulis na nag abot sa akin ng papel. Tiniklop ko ito at inilagay sa aking bulsa.
“Rilea! Where are you heading?” Suway sa akin ni Riego.
“Mamaya ka na magtanong. Samahan mo ko may kailangan tayo habulin!” Saad ko.
“Sino hong hinahabol nyo ma’am?” tanong ng isa sa mga pulis.
Luminga linga ako at nakita ko ang unipormadong lalaki na nag abot sa akin ng papel. Papalabas na ito at papaalis. Malamang ay tatakas na.
“Tigil!” sigaw ko kaya napalingon sya sa akin.
It was his cue to run. Lahat din kaming nakakita ay humabol sa kanya. We are on the sidewalk, chasing after him. Kami ni Riego ang nangunguna sa pagtakbo. Humugot na si Riego nang baril at sinimulang paputukan ang lalaki, ngunit nakipag palitan ito ng putok. Matapang sya upang gawin ang ganitong bagay. Mukhang bihasa at gawain nya na ito. Rinig ang sigawan ng mga bystanders na civilians dahil sa nangyayaring chase out.
Nakailang metro rin siguro ang itinakbo naming bago sya nacorner ng mga mobile ng pulisya. Wala na syang takas dahil napapalibutan na naming sya. Inagaw ko ang baril ni Riego at matapang na nilapitan ng bahagya ang suspek na pinipilit ng pulis na sumuko ng mapayapa.
“Sino ka?” Matigas kong tanong habang gigil na nakahawak sa baril. “Sinong nag-utos sayo?!”
Tinutukan nya rin ako ng baril ngunit hindi sya nagsasalita. Tagaktak ang pawis nya. Hindi nya akalaing mabilis naming syang masasapote. I can read from his expression that he is looking for a way out and that he expects a different turnaround of situations.
“Sagot!” Gigil kong sigaw.
Lumalapit sa akin ang mga sagot sa tanong ng misteryo. Uhaw ako sa pagtuklas ng katotohanan. At kung kailangan kong makipag tutukan ng baril sa isang kriminal in broad daylight, gagawin ko.
Bang!
Putok ng baril ang nagging tugon sa tanong ko. Biglaan. Nakakabingi. Hindi inasahan.
“Rilea!” mabilis akong nilapitan ni Riego habang nanlulumo kong pinagmasdan ang nagpapanggap na pulis.
He shot himself in the head right in front of my eyes. Sa tama nyang iyon, sigurado akong patay na sya agad. Napapikit ako sabay punas nang tumilansik na dugo sa pisngi ko. The key to my questions just committed suicide to avoid my interrogation.
Bumaba ang kamay ni Riego sa kamay kong nakahawak sa baril. Ngayon ay nanginginig na ito kaya mahigpit nya iyong hinawakan upang matigil.
“Come. We have to go.” Utas nya. “Let them handle it from here.”
Walang gana akong tumango sa kanya.
We walked back to the station kung nasaan ang kotse nya. The whole ride, my mind was replaying everything. I feel so frustrated. Kumbaga, I was a step away to figuring things out. Ngayon, alam ko nang hindi talaga basta basta ang kalaban. Dahil kahit ang utusan nya ay handang magpakamatay wag lang mabunyag ang identity nya. He can even send someone to pretend to be a cop. I might have underestimated him too much. He plays this game too well.
Watch your steps after. Choose a wise path. Sometimes, good is evil.
That letter. Binabalaan nya ako. Tama si Agatha sa sinabi nya. Being imprisoned is a warning shot to me. Based on those words, whoever the f**k the suspect was, gusto nyang piliin ko nang manahimik sa imbestigasyon. That implies the meaning of “Watch your steps after. Choose a wise path.” He thinks that the wise path is letting this all go and move on. Ayaw na nyang ungkatin ko pa kung ano at sino ang nasa likod ng pagkamatay ni General Claridades at misteryosong pagkawala ng malapit nyang kaibigan na si General Montano. The culprit wants me to take my foster father as an example of what would happen to me if I don’t choose wisely. He sent that warning to me right before I step out of the prison cell. Gusto nyang iparamdam sa akin by sending a fake cop, that he can infiltrate the force. Pwede nya akong patayin all this time pero hindi nya ginawa. Palagay ko gusto nya pang tanawin kong utang na loob ang pag spare nya sa buhay ko.
Well sorry to tell you, whoever the f**k you are. Hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob mula sa mga taong kagaya mo. Hindi ko utang ang buhay ko sa demonyong kagaya mo. Kung isang malaking pagkakamali ang tapusin ang sinimulan ng Tatay-tatayan ko, mas malaking pagkakamali na hinayaan nya akong mabuhay. Whoever he is, he had the chance to kill me and he chose to miss it. Sayang ang pagkakataon. Dahil sisiguraduhin kong hindi na sya magkakaroon ng kasunod pang tsansa. Dahil sa oras na malaman ko ang totoo, itutumba ko sya nang walang pag-dadalawang isip.
---
sereingirl