Chapter 4: Brother's Tenants

1078 Words
Third Person's View Nasa sala ang ibang tenants ng kuya ni Nathalie, samantalang ang iba ay busy sa kanya-kanyang ginagawa. "Seryoso kayo?" Nag-igting ang panga ni Evan, isa sa mga nakatira sa mansyon. "Ba't hinayaan no'ng may-ari na patirahin niya ang kapatid niya dito? Babae 'yan!" Parang hindi ito makapaniwala, samantalang parang nainsulto naman si Nathalie dahil du'n. "Ba't parang hindi ako pwede tumira sa sarili naming bahay, porke' babae ako? Gano'n ba?" Nakasimangot na tanong ni Nathalie, nakaupo sa single sofa Nagkatinginan naman ang silang lahat. Tumayo si Leo at tumingin ng deretso kay Nathalie. "Hindi naman sa bawal pero," Naiiling. "Babae ka kasi, tapos kami lalaki. Nag-iisa ka pa namang babae dito baka kung ano pa mangyari sa'yo." "Nasaan ba sila Jacob?" Tanong niya sa katabi na si Jax. "Wala. Ewan. I don't care." Badtrip na sagot nito. Bumuntong hininga na lamang si Leo. "Okay fine, Raise your hand on who wants to still Nathalie in the dorm." Nagtaas ng kamay sina Fryll, Kael at pati si Leo. Samantalang ang natitira ay hindi nakataas ang kamay. "Wala pa ang anim, sila Jacob, Shin, Harley at Michael. Tatlo palang kaming pumayag na dumito siya, hintayin natin yung iba." Sabi niya. Pero biglang tumayo si Nathalie at akmang aalis pero pinigilan siya ni Kael. "Teka lang Nat–" Napahinto ito ng lumingon si Nathalie sa kanila. "Kung iniisip niyong galit ako, pasensya na pero hindi." Maikling sabi nito at tuluyan ng umalis, lahat sila nakatingin sa gawi ni Nathalie. "Lagot tayo kay Professor nito, kayo naman kasi, dapat tinaas niyo narin kamay niyo." Napapailing na sabi ni Fryll pero wala pumansin sa kanya. Nathalie's Point of View Kainis sila, ah! Kaya ko rin naman kung ano ginagawa ng mga lalaki. Masyado yata nila akong minamaliit porket babae ako? Letche! Hays. Ano bang gagawin ko nito? Kailangan kong makapag-isip ng maayos. Kung maligo na lang muna kaya ako? Masarap maligo ngayong gabi. Right! Para makapag-isip isip rin ako ng maayos at maging okay din ako! Mabilis kong kinuha ang tuwalya na nakasabit sa cabinet at kumuha narin ng damit na susuotin. Lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang tuwalya at damit at naglagkad na sa hallway. Wala kasing banyo sa kwarto, eh, nakakabadtrip. "Uy, maliligo ka na?" Mabilis akong napalingon sa isang gilid, nakasandal sa pader Leo, nakasando at may dala-dala ring tuwalya. "Um, oo." Biglang umiwas ang tingin nito sakin. Problema nito? "Ano kasi eh... Nasira 'yung tubo sa banyo dito, tapos may tao pa do'n sa ikalawang banyo sa baba." Sabi niya kaya napaisip ako. Tatlo naman ang banyo diba? Sabi ni kuya tatlo daw. "Eh tatlo naman yung banyo dito sa mansiyon, hindi ba?" Tanong ko, tumango siya. "Pwede ka doon sa may isa pang banyo, hanapin mo na lang sa ibaba." Sabi niya. Ngumiti ako sa kaniya. "Ganoon ba? Sige, salamat." Pagpapasalamat ko at pumunta na ng hagdan para bumaba. Luminga-linga ako sa paligid. Nasaan ba yung banyong 'yun? Kainis naman! Ang init, eh! Akmang babalik na sana ako sa taas ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang pinto na malapit sa sala. Teka, baka 'yun na yung banyo na tinutukoy ni Leo! Tumungo na ako sa pintong 'yun at pinihit ang doorknob. Walang tao! Pero nakabukas ang ilaw, nakakapagtaka naman. Sinarado ko na ang pinto at tinanggal ang damit. Tinanggal ko narin ang pantali ko sa buhok at nilugay ang buhok. Kinuha ko ang tuwalya at pinalupot ito sa katawan ko. Abala ako sa pagpulupot ng tuwalya ng marinig ko ang pagbukas ng shower. Wait, may multo ba dito? Dahan-dahan akong naglakad papunta sa nakaharang na kurtina. At akmang hahawiin ito ngunit may humawi dito at na literal na napalaki ang mata ko. "WAAAAAAAH!" Mabilis niyang tinakpan ang sarili niya gamit ang kurtina samantalang tinakpan ko ang mata ko gamit ang dalawa kong kamay. "Wala akong nakita! Wala talaga!" "Kaasar naman oh! Matuto ka namang kumatok!" Sigaw niya at naramdaman ko ang pagdaan niya sa gilid ko. "Peste! Ito na nga ba sinasabi ko, eh!" At malakas na sumarado ang pinto. Tinanggal ko na ang dalawa kong kamay at idinilat ang mata. Tumingin ako sa pinto bago malakas na bumuntong-hininga. Sino 'yon? S-si Anwyll? Umiling-iling ako at sinampal ang sarili. Ba't nga ba hindi ko naisip na kumatok? Letchugas naman! Pero may nakita ba ako? W-wala naman, diba? Wala! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Bibilisan ko na lang maligo! Hays!" Muli akong tumingin sa pinto para masigurong wala na talaga siya doon at pumunta na ako sa shower. Nang may bigla akong naalala. Baka ito 'yung sinasabi ni Leo na may tao sa loob ng banyo? Argh! Thalie! Ano ba 'tong ginawa mo? Argh! Fryll's Point of View Nandito kami ngayon sa dining room, inaayos ang mga plato katulong sina Leo at Shin. "Tingin niyo, galit pa rin kaya sa 'tin si Nathalie? Dahil sa botohan na ginawa mo kanina?" Tanong ko kay Leo. Umiling lamang siya. "Anong botohan?" Napatingin ako kay Shin. Ah, hindi pa pala niya alam kasi wala siya doon kanina. Nagkaroon kasi kami ng misunderstanding para kay Nathalie. 'Yung kapatid ni Professor Xander." Si Leo na ang sumagot. Tumango-tango lang si Shin. "Ah, so, kumusta naman?" Tanong niya. "Ayun. Nagtampo. Kaunti lang kasi ang pumayag na dumito siya sa dorm." Natatawang sagot ko. Tumango na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. At kami rin. "Ay, nga pala. Napag-isipan niyo na ba kung sino mamamalengke bukas?" Tanong niya. Ay oo! Ubos na pala grocery namin. Bigla kaming nagkatinginang tatlo. "Baka ako na lang siguro. Tapos isasama ko si Nathalie para matuto siya at masanay sa gawain natin dito sa dorm." Sagot ni Leo na sinang-ayunan naman namin. Matapos naming ayusin ang mga plato ay saktong dumating ang ibang tenants dito. Bigla akong napatingin kay Anwyll nang hindi ito dumiretso dito. Tumakbo ako patungo sa kanya at tinawag siya. "Hindi ka ba kakain, Wyl? Kakain na, oh." Nagtataka kong tanong ngunit umiling lang siya. "Baka makahawa ako, mauna na lang kayo." Sinisipon niyang sagot at umalis. Anong nangyari do'n? Bumalik na ako sa dining room at umupo. "Okay, so nasaan naman 'yung babaeng 'yun? I mean, si Nathalie?" Nathalie's Point of View Pabalik-balik akong naglalakad sa pinto habang malalim na nag-iisip. Anong gagawin ko nito? Nakakahiya 'yung nangyari kanina! Bigla kong naalala si Anywll. Nakakaasar! And the same time, nakakahiya! Ginulo ko ang buhok ko at bumuntong-hininga. Kailangan ko ng kumain. Pero nakakahiya! Hays! Bahala na nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD