Nathalie's Point of View
[Sa sala; 12:03 AM]
"Pero kuya?!"
Bumuntong-hininga siya. "Kasalanan mo naman talaga kasi. Hindi ka naman paghihinalaan ni Jax kung nagsabi ka kaagad na kapatid mo ko eh." Sabi ni kuya at tumingin kay Jax. "Hindi diba?" Tumango naman ang mokong.
Kainis! Kasalanan ko pa ngayon?! Kasalanan 'to ni kuya! Kung bakit kasi hindi niya agad sinabing dito na ako titira! At hindi ko rin kasalanang nagutom ako! Hmp!
"Aish! Bahala ka nga! Matutulog na ko!" Pout na paalam ko at padabog na umakyat sa taas at dumiretso ng kwarto.
Xander's Point of View
"Aish! Bahala ka nga! Matutulog na ko!" Nakapout na pagpaalam sa akin ni Nathalie at padabog na umakyat sa taas. Nagkatinginan naman kami ni Jax, isa sa mga tenants ko at bumuntong-hininga.
Tatayo pa lang sana si Jax ng tinawag ko siya. "Jax..."
Napatingin siya sa akin at nagtaka. "Po?"
Muli akong bumuntong-hininga at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Pwede bang pakibantayan si Nathalie kung sakali mang wala ako sa tabi niya?" Malungkot na tanong ko. Mukhang nabigla naman siya sa sinabi ko.
"Po? Feeling ko naman po, kaya na niya ang sarili niya." Kalmadong sagot niya pero umiling lang ako.
"Hindi man kita sa mga kinikilos niya, pero alam ko kung gaano siya kahina sa loob." Sabi ko at ngumiti.
"Makipagtulungan ka na lang sa ibang mga tenants dito. Pasensiya na kung nakakagawa siya ng mga pagkakamali. Sadyang pasaway kasi siya sa'min eh." Tanging nasabi ko at tumango naman siya.
"Sige po. Pero hindi ko po alam kung papayag ang ibang mga ka-dorm ko sa gusto niyo. Alam niyo naman pong may iba sa'min na magkakagalit." Sabi niya at napaisip naman ako.
"Isa pa 'yon sa inaaalala ko." Bumuntong-hininga ako. "Basta ah. Kayo nang bahala sa kaniya." Ngumiti ako at tumayo.
"Opo."
Nathalie's Point of View
[Kinabukasan; Nathalie's Room]
Nagising ang diwa ko ng marinig ang alarm clock. Umupo ako at umunat. Napatingin ako sa harap at tumulala pero naalala ko ang nangyari kagabi. Kainis! Nakakagigil naman ang mga tenants ni kuya!
"AAARRGGGHHH!!" Sigaw ko at ginulo ang buhok ko.
Parang ayoko na lang lumabas! Nakakainis talaga ang mga tenants ni kuya! Lalo na yung Jax na 'yun! Sinabit ba naman ako sa pole? Anong akala niya sa akin? Damit!?
Nagmumuni-muni pa ako ng biglang may kumatok.
Naku! Gising na ang halimaw!
Tamad akong tumayo at lumapit sa pinto.
"Ano ba? Kagigising ko lang ang ingay na agad!" Sigaw ko.
"Nathalie! Buksan mo 'tong pinto! Emergency 'to!" Rinig kung sigaw ni kuya. Emergency huh? 'Yung hindi niya pag-alala sa pagkain ko hindi ba 'yon emergency?
"Bahala ka d'yan." Akmang babalik na sana ako ng magsalita siya na tuluyang nagpahinto sa akin.
"Tungkol 'to kay Lolo..."
Huh? Kay Lolo Greg? Next time na nga lang ako maghihiganti sa kurimaw.
Umatras ako at bumalik sa pinto at agad na pinihit ang doorknob. Bumungad sa akin si kuya Xander, mukhang kinakabahan.
"An'yare sa'yo?" Nagtatakang tanong ko at humikab.
"Kailangan ko munang bumalik sa Probinsya. Nag-message ang tagapag-alaga ni lolo Greg sa akin na sinugod daw siya sa hospital. Inatake siya sa puso." Bigla akong kinabahan sa sinabi ni kuya.
"Si Lolo? Inatake? Seryoso?! Gusto kong sumama!" Natatarantang sabi ko.
"Hindi. Dito ka lang." Madiin at seryosong sabi ni kuya pero umiling ako.
"Pero—"
"'Wag ka nang makulit. Malayo ang byahe 'tsaka walang magbabantay dito sa mansyon kung sakaling pumunta dito ang naniningil ng kuryente at tubig." Sabi niya. At 'yun pa talaga ang inaakala niya!?
"Kuya naman eh! Nag-aalala din ako kay Lolo!" Maktol ko, hinawakan niya ako sa braso at pinakalma.
"Alam kong nag-aalala ka kay Lolo. Katunayan pa nga mas matagal mo siyang nakasama kaysa sa'kin kaya mas napalapit ka sa kaniya. Samantalang ako, dahil sa busy ang schedule, 'di ko na siya nadadalaw."
"Kuya..." Para na akong maiiyak kung kaya't niyakap niya ako ng mahigpit.
"Kahit anong mangyari, kung anong sinabi ko, 'yon ang susundin mo. Dito ka lang. Magiging okay din si Lolo Greg. Magtiwala ka lang." Binitawan niya ako sa pagkakayakap at ginulo ang buhok ko at saka ngumiti.
"May sasabihin ka ba para kay Lolo?" Nakangiting tanong niya. Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko.
"Pakisabing okay lang ako dito at magpagaling siya." Saad ko. Tumango naman siya at muling ginulo ang buhok ko. Akmang aalis na sana siya ng tawagin ko muli.
"Teka lang kuya!" Nagtataka siyang lumingon sa akin.
"Bakit?"
Mahigpit ko siyang niyakap. "Mag-iingat ka."
He hugged me back, at muli na namang ginulo ang buhok ko. "Syempre naman. May bata pa yata akong babantayan 'no." Agad akong bumitaw sa yakap at nainis pero ngumiti din.
"Baliw ka talaga kuya."
"Oo na. Nababaliw na ko sa'yo kung paano ko aakuin ang responsibilidad kaya 'wag kang magpasaway. Nga pala, nag-iwan ako ng allowance mo sa kwarto ko kahit next week pa ang pasukan. Na kay Jace ang susi ng kwarto, hanapin mo na lang siya. Ando'n na rin ang pambayad sa mga bills, tsaka pang-grocery niyo." Bilin niya. Sinong Jace? Si Kael, 'yung kulot yung buhok tsaka 'yung maangas ang buhok pa lang ang kilala ko eh.
"Sino 'yon?" Nagtataka kung tanong ngunit tinawanan lang ako ni kuya.
"Malalaman mo mamaya kapag nagpakilala ka na sa ibang mga tenants." Wika niya at sumeryoso. "Although may tiwala ako sa kanila, mag-iingat ka pa rin ah." Seryosong sabi niya.
"Iiwan mo ko na puro lalaki ang kasama?" Tanong ko, napaisip naman siya at ngumiti.
"Oh siya. Bahala ka na." Aalis na sana siya nang huminto muli at tila may nakalimutan sasabihin. "'Yung bayarin ah! 'Wag mong kalilimutan!" Bilin niya at umalis.
Napakamot na lamang ako sa batok. "Opo."
So gano'n. Iniwan niya na naman ulit ako sa ere. Sana okay lang si lolo Greg.
Bumuntong-hininga ako at pumuntang kama.
Kael's Point of View
Nangunot ang noo ko nang hindi makita ang hinahanap sa loob nang bag, kung kaya't tumingin ako kay Anwyll na busy sa pagbabasa habang naka-ear phones.
"Uy, Wyl..." Tawag ko pero parang walang narinig si Anwyll.
Ay teka. "Letchugas. Naka-earphones si Kulot." Binuksan ko ang bulsa nang aking bag at kinuha ang medyas na nandoon at tinapon sa kanya. Sakto namang napunta sa mukha niya kaya agad siyang nagulat at nainis.
Agad niyang tinapon ang medyas papunta sa akin at tinanggal ang earphones. "f**k Kael! Nananahimik ako dito eh! Ilang linggo mo ba 'yang suot?" Tanong niya. Naasar naman ako sa tinanong niya at muling itinago ang medyas sa bulsa nang bag.
"Kakalaba ko pa lang niyan! Ang arte mo!" Inis na sabi ko sa kanya. Napakamot na lamang siya sa batok at tumingin nang diretso sa mga mata ko.
"Problema mo na naman? Ba't mo ko ginugulo sa pagbabasa?" Malumanay na tanong niya, ngunit nahihimigan doon ang inis dahil ginulo ko siya sa pagbabasa niya.
Napangiti ako nang maalala kung bakit ko siya tinawag.
"Tingin mo, cute ba 'yung kapatid ni Professor Xander?" Parang kinikilig kung tanong at tumingin sa kawalan.
"Sino? 'Yung sinabit kagabi sa pole katabi ng hagdan? Ewan." Mabilis na sagot niya. "Bakit? Crush mo?" Nagulat ako sa tinanong niya.
"Ewan ko. Nagagandahan lang naman ako sa kaniya eh." Wika ko. Ngunit pinagpatuloy niya na lamang ang pagbabasa.
"Alam mo, 'wag mo munang isipin ang mga ganiyan. Tandaan mo, 'di ka pa enrolled." Bigla akong nainis sa sinabi niya. Aba!
"Hoy enrolled na ko!"
"Eh? Maniwala ako sa'yo?"
Letcheng lalaking 'to! Porket na late lang ako nag-enroll. "Oo nga! Bahala ka nga d'yan!" Hindi na niya ako pinansin at pinagpatuloy na lamang ang pagbabasa at sinuot muli ang earphone.
Napatingin na lang ako sa bintana at napaisip.
Baka nga crush ko na siya. Ba't ambilis? Pesteng utak ko talaga oh!
Tiningnan ko ang daliring kinagat niya at napangisi. "Ang sakit niya nga lang mangagat." Sinuri ko ang daliri ko at napahagikhik.