Chapter 2: The Cookies

1359 Words
nathalie's point of view [nathalie's room; 11 pm] bigla na lang akong nagising dahil sa ingay na narinig. hinayaan ko lang na nakalugay ang aking buhok at kinuha ang cellphone upang tingnan kung anong oras na. napalaki naman ang mata ko ng malaman kung anong oras na. "a-ano 'to? 'di ako ginising ni kuya xander?" mahina akong napamura nang biglang kumulo ang aking tiyan. kaasar naman! 'di pa ako kumakain buong maghapon! ba't 'di niya ko ginising?! napabuntong-hininga na lang ako dahil muli na namang tumunog aking tiyan. hinawakan ko ang tiyan ko na ilang ulit tumutunog. oo na, kakain na ko, 'wag ka nang magreklamo. tumayo ako at sinuot ang tsinelas. nakita ko na ang kusina kanina sa ibaba. subukan ko ngang halughugin 'yung ref at saka mga cabinet, baka may makita akong mangangatngat. tumayo ako at pumunta sa pinto, marahan kung sinilip ang labas ng pinto, walang ilaw ang hallway. ba't ang dilim? nagtitipid ba sila sa kuryente? dahan-dahan kung binuksan ang pinto at tahimik na naglakad mula sa hallway. agad akong bumaba at pumunta sa kusina sa'n ba ulit– ah! nakita ko na! dumiretso ako sa parang refrigerator nila at binuksan. carrots? walang sushi? walang takuyaki? kainis naman! ba't wala akong makitang kahit anong matinong pagkain? kumuha na lamang ako ng baso at uminom ng tubig. nakakalokang bahay. ang laki ng mansyon, iilang carrots lang ang laman! mga kuneho ba nakikitira dito? tumingin-tingin ako sa mga drawer at cabinet. teka lang... may nakita akong choco chip cookies sa cupboard! napangiti ako. ang swerte ko! kukunin ko pa lang sana ang choco chip ng may humablot sa damit ko at parang inangat ako sa ere. bigla naman akong kinabahan at hindi alam ang gagawin kung kaya't naisip kung sumigaw. "ahhhhhhh!!!" juice ko po! kasalanan bang magutom? "kuuuuyaaaaaaa!!!" tukoy ko kay kuya xander. pero parang mas inangat pa ako sa ere na para bang baby. letche! "ano ba?! naririndi na 'ko sa'yo ah!" sigaw niya saakin at sinabit si ako sa isang pole katabi ng hagdan. "ibaba mo ko!" pilit kung inaabot ang lalaking nasa harap ko. "kapag nakababa ako dito konyat ka sa'kin! aaaaahhh!!!" muli akong tumili para tulungan ako ni kuya. letche ka naman kuya! ba't ang tagal mo!? "hoy, alam mo ba kung na saang lugar ka?" biglang tanong niya. malamang alam ko! mansyon namin 'to eh! "oo! alam ko!" desperadang sagot ko. ibaba mo na 'ko letche kang lalaki ka! "oh sige nga, anong lugar 'to?" tanong niya. nag-i-interview ba 'to? "mansyon 'to na naging dorm ng mga lalaki!" "alam mo pala eh." saad niya pero maya-maya ay naguguluhan. "teka nga lang. lalaki ka ba? ba't ka nandito? sino ka ba?" tanong niya. teka, 'di nila alam na dadalhin ako ni kuya endou dito para tumira? ooooh... kinalma ko ang sarili ko at tumingin ng diretso sa kanya. "kapag binaba mo ko, sasagutin ko ang mga tanong mo." malumanay na sabi ko sakanya. bigla na lang bumukas ang mga ilaw sa paligid. may nakita akong lalaking bumaba sa first floor mula sa taas at nagtungo dito. "jax. may narinig ka bang–" napahinto siya ng makita ako. "sino 'yan? ba't siya nakasabit?" muli akong tumili. "ibaba niyo ko!!!" pilit kung inaalis ang damit ko sa pole at pilit na bumaba. "isang malaking bubwit. nahuli kong may dinudukot sa loob ng upper cabinet." nakangisi niyang sagot sa lalaki. bwiset ka! "sa upper cabinet?" tanong niya. "yung cookies ko?" tumingin siya sa akin na parang nagtataka. "nakakainis na! krimen na ba ang pagkagutom ngayon?" inis na tanong ko at nag-cross arm. "nanghimasok ka ng bahay. actually, mansyon. isang malaking krimen 'yon." sagot ng lalaking sumabit sa akin sa pole. bwiset! nakakainis ka! nanggigil ako takte, kapag ako nakababa dito! "kuuuuuyaaaa!!!" mas nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni kuya xander. ano ba kuya! "peste naman ang ingay niyan!" rinig kung sabi ng isa at tinakpan ang tainga, wala akong pakealam! ibaba niyo 'ko! bwiset! "manahimik ka nga! ikaw kakainin ko pag 'di ka tumahimik!" parang nauubusan na ng pasensyang sigaw sa akin ng lalaking sumabit sa akin. "ibaba niyo na ko please lang! baka masira 'yung damit ko!" "tsk. ibababa ka namin d'yan 'pag dumating ang may-ari." sabi niya. sinong may-ari? si kuya? kuya ko yun! takteeeeeee! "sino 'yan? ba't siya nakasabit?" bigla na lang ako napatingin sa isang gilid ng may isa pang lalaki doon. "ewan. pero sabi ni jax patay-gutom daw eh." biglang sagot ng isa kung kaya't agad akong nainis. "patay-gutom ka d'yan?" pilit akong kumawala sa pole pero hindi talaga ako makatakas. "kuyaaaaa!!!" para na akong maiiyak dahil sa ginawa nila. kuya naman eh! bakit ba ang tagal mo?! tumingin sa akin ang lalaking nasa isang gilid pero walang emosyon. "mapapaos ka lang kung puro sigaw at tili ang nagagawa mo." walang emosyon saad niya sa akin at tumingin sa lalaking sumabit sa akin. "ibaba mo na siya d'yan, baka magising ang ibang mga tenants dito. malagot pa tayo sa kanila." sabi niya at bigla kaming iniwan at umakyat sa taas. napangisi naman siya. "may punto ka." at tumingin sa akin. "pasalamat ka't tinulungan ka ng isa sa mga nakikitira dito." sabi niya at ibinaba ako. "pero hindi ka makakalagpas kay professor xander." teka... kuya ko 'yon! ba't ba kasi– oo nga 'no? ba't 'di ko binuo 'yung pangalan niya sa pagsigaw para lang marinig ng bakulaw na tinatawag ko siya? "kuyaaaa xanderrr!" malakas na sigaw ko. napatakip naman ulit ng tainga sila dahil sa sigaw ko. "nakiki-kuya ka? ha? desperada ka ghorl?" parang baklang tanong ng isa. hindi! kuya ko kasi 'yun tanga! "itali mo nga 'yan kael! pupuntahan ko lang si professor—" hindi na niya natuloy ang sasabihin ng pumaibabaw ang boses ni kuya. "anong nangyari sa'yo thalie?" napalingon ako kay kuya. sa wakas! nandito kanang mokong ka! sumugod naman ako sa kanya at pinaghahampas siya. "badtrip ka!" sigaw ko sa mismong mukha niya. nagtaka naman siya at hinawakan ako sa magkabilaang balikat. "teka nga lang! bakit ba?" takang tanong niya. nagtanong kapa! "nakakainis ka! hindi mo ko ginising kanina para kumain! hindi ako kumakain buong maghapon!" parang nagtatampong sabi ko at umiyak. nanlaki naman ang mata niya at niyakap ako. "uy sorry nathalie... may inasikaso pa ako, ngayon lang din ako nakabalik." sabi niya at hinagod ang likod ko. "tara. kain tayo. bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa likod ko. "ano bang meron sa ref?" tanong ni kuya. "carrots lang po." sagot nila. nakakainis! kunwari magalang ang mga hinayupak! "teka prof. kilala mo 'yang lalaking 'yan?" tanong ng isa. teka, anong lalaki!? napakamot naman sa ulo si kuya at tiningnan ako. "actually kapatid ko 'to" hinimas niya ang buhok ko. "at babae siya." "b-b-babae!?" gulat na tanong nila. malamang! babae ako! bigla naman akong nairita dahil magulo na ang buhok ko. "ano ba! 'yung buhok ko!" reklamo ko. natatawang binitawan ni kuya xander ang buhok ko. kaya tumingin ako sa dalawa pero parang nahihiya na sila ngayon. oh! ano ngayon? ha? ha? pero lumapit ang isa sa kanila at pinindot ang ilong ko. bigla akong nainis at kinagat ang daliri niya. "aray!! bwisit ang sakit!" hinawakan niya ang kamay niya at napamura. natawa naman ako at ningisihan siya. "sino may kasalanan?" tanong ko. narinig kung bumuntong-hininga si kuya. "thalie, anong sinabi ko sa'yo kanina?" parang tatay na tanong niya. umirap ako sa ere at tumango. "oo na. magpapakabait ako." tumingin siya sa dalawa. "ako nang bahala sa kapatid ko." sabi niya at ngumiti. "pasensiya na sa mga nagawa niya ah." aba! sila ang may ginawa sa akin! hindi ako! "ibibigay ko na lang sa inyo 'yung cookies ko sa upper cabinet. 'wag niya lang ulit ako kagatin. baka mahawa ako ng rabies niya." sabi niya habang hawak parin ang daliri at umakyat sa taas. sinamahan ko naman siya ng tingin. "hindi ako damit para isampay sa pole at hayop na nagkakalat ng rabies!" inis na bulong ko pero sapat na para marinig ni kuya. "sinampay ka sa pole?" gulat na tanong ni kuya xander. napangisi naman ako. pagkakataon na para magsumbong! lagot ka ngayong lalaki, magsusumbong na ang magaling!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD