Nathalie's Point of View
Okay. Hindi na ako natutuwa kasi traffic na naman sa siyudad. Halos dalawang oras na akong naghihintay ng pag-usad ng traffic hanggang sa hindi ko na talaga makayanan. Bakit kasi nagtraffic pa?
"Kuya, matagal pa po ba? Mag-aalas dose na." Tanong ko habang nakatingin kay kuya. Gutom na ako pero dahil sa traffic ay nasa kalsada parin kami.
"Wala pang kumikilos sa mga sasakyan eh. May naaksidente daw kaya pinagdahan-dahan ang mga driver." Sagot niya at sumilip sa'kin mula sa side mirror. "Alam mo, nagugutom na'ko. Magstop muna kaya tayo sa convenience store doon sa may kanto?"
"Ikaw ang bahala. Na sa'yo naman ang manibela eh." Sagot ko at nagkibit-balikat na lang.
Nagstop over muna kami sa isang convenience store. Si kuya Alexander ang lumabas, naiwan naman ako sa loob ng kotse. Noong nasa Valenzuela pa ako nakatira bilang bata, may naging kalaro ako doon na may kulot ang buhok sa isang playground, at bago kami maghiwalay sa palaruan, ni libre niya ako sa convenience store ng ice cream. Alam niyo kung paano kami nagkakilala? Ipinagtanggol niya lang naman ako mula sa mga bully na mga bata doon sa playground. Pero ang saklap lang kasi hindi ko nalaman ang pangalan niya. Mga bata pa kasi kami noon kaya wala pa sa isip naming ang tanungin ang isa't isa, puro laro lang ang nasa isip.
Nagsuot na lang ako ng earphones para hindi ako mabagot kakahintay kay kuya.
Nakita ko si kuya na may dalang mga chips, burger at juice. Pumasok siya sa kotse at inabot saakin ang isang orange juice. Tinanggal ko ang earphone ko at kinuha ang orange juice na inabot niya saakin at agad itong ininom.
"Gaano paba tayo katagal dito kuya? Gusto ko ng magpahinga." Sabi ko at uminom ulit ng juice. Lumingon naman siya saakin mula sa driver seat.
"Thalie, pwede ka namang matulog diyan sa likod eh. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa mansiyon." Sabi niya at biglang kumunot ang noo. "Siya nga pala, mag-iingat ka kapag nasa bahay na tayo." Paalala niya. Nagtaka ako sa sinabi ni kuya.
"Bakit?" Tanong ko. "Kasi hindi lang tayo ang nakatira doon." Eh sino? May mga aswang ba doon? Jusko.
"May multo bang nakikitira? Pwede ba akong mag-ghost hunt?" Tanong ko. Kinagat niya ang burger niya at humarap sa harap. "Hindi totoo ang mga multo, pero kasi..." Alanganin pa siyang sabihin kong itutuloy niya ba o hindi.
Tumaas naman ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Kasi ano?" Umiling na lang siya at tila nabadtrip. "Ay basta! Kapag nandoon na tayo, 'wag kang gagawa ng kahit anong kalokohan doon. May mga magagalit! Di'ko alam kung papayag silang patirahin ka." Saad niya at parang may malalim na iniisip.
"Eh mansiyon naman natin yon ah? Bakit hindi ako patitirahin? Hindi naman ako magnanakaw, at higit sa lahat, hindi rin ako bata para gagawa ng kalokohan!" Sabi ko kahit naguguluhan sa mga sinasabi ni kuya. Diba wala namang masama? Mansiyon naman namin yun e.
"Kasi nga ginawa ko na iyong dormitory last two months ago!" Bahagyang tumaas ang boses ni kuya ng sabihin yun. Ah, highblood agad?
"Kuya? Naghihirap naba tayo? Bakit mo ginawang dormitory yung mansiyon?" Tanong ko ulit.
"Eh kasi nga wala naman akong kasama do'n eh. Ako lang mag-isa ang nakatira." Sagot niya. Napanganga ako sa sinabi niya. Dormitory? Ng alin?
"Dormitory ng alin kuya Xander?" Tanong ko sabay inom ko ulit ng juice.
"Dormitory ng mga lalaki." Sagot niya. Ah. Teka. Napabuga ako ng juice sa upuan.
Bigla akong inubo at pinunasan ang bibig. "ANO?!" Napalingon naman saakin si kuya at nakita kong nainis siya. "Kalilinis ko palang ng upuan! Bakit mo binugahan ng juice?!" Inis na sabi niya.
"Eh bakit puro lalaki?" Mahinahon kong tanong. "Kasalanan ko bang lalaki din ako? Kapag may babaeng nakitira doon, baka mapagkamalan akong nagbebenta ng mga babae!" Pagdahilan niya.
"Hindi ka naman mukhang r****t eh. Sa kapogian mong 'yan magiging r****t ka lang? Ang babaw ha." Sabi ko.
"Salamat sa compliment ah. 'Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi mo." Sabi niya na may halong sarcasm. Ay, ang taray ha. "Hindi ko rin naman naisip na magha-highschool kana. At saka malay mo, maging teacher mo ako doon." Sabi niya ng nakangisi.
"Imposible!" Angal ko kaagad. Ayoko maging teacher si kuya, nakuuu hindi ako makakagawa ng mga plano. Hihi.
"Bahala ka! 'Di kaba nakinig no'ng isang araw? Sabi ko sa'yo, kung gusto mong makasurvive sa lilipatan mong bahay, kailangan mong magdisguise bilang lalaki. Kung ayaw mo naman, okay lang. Pero hindi ko alam kong papaanong trato ang gagawin nila sa'yo. T'saka, hindi ko alam kong anong ugali ang meron sila." Mahabang sabi niya at nag-isip. Letchugas.
"Kuya naman eh!" Natawa naman si kuya sa reaksyon ko. Tatawa tawa lang siya, paano kung may nangyari sa kapatid niya? Pasaway ka talaga kuya!
"Kuya ka d'yan? Linisin mo 'yan pagkauwi natin ha. Ang hirap pa namang linisin ang cushion niyan." Paalala niya saakin. Binato ko sa kanya 'yung bola na dala namin sa biyahe. Promise, muntik na mabasag 'yung salamin pero wala akong pake. Mabait ako e.
"Thalie!" Sigaw niya at sinamaan ako ng tingin. "Oo na! Ito na nga oh, tatahimik napo ako!" Sabi ko at palihim na tumawa. Ganito kaming magkapatid mag-usap.
Sana nga lang, kapag nakatira na ako sa mansiyon, dormitory o bahay namin, magiging okay lang ako. Pero mukha talagang imposible eh, mga lalaki yun! LALAKI!
Tumingin ulit ako sa bintana. Pinanood ko ang langit hanggang sa unti-unti na akong binalot ng kadiliman.
—•—•—
"Thalie, gising na. Nandito na tayo sa mansiyon." Rinig kong sabi ni kuya. Napakusot pa ako ng mata bago nagising ng tuluyan. Bumaba si kuya at binaba ang mga gamit na nasa tabi ko.
"Labas na d'yan. Mag-aayos pa tayo ng kwarto mo." Sabi niya. Humikab ako at tumingin sa kanya. "Kuya, ang sabi mo dorm 'to ng mga lalaki. Saan naman ako matutulog?" Tanong ko. Nakita ko siyang napaisip. Peste, ano 'yon? Nakarating na kami dito nang hindi pa alam kung saan ang kwarto ko?
"Kuya, 'wag mong sabihin na sa bubong mo ako matutulog? Mananagot ka talaga kay lolo Esmael!" Banta ko. Napakamot naman siya sa batok at nakita kong pinagpawisan siya. "Teka lang nag-iisip pa ako kung saan." Nag-isip siya. "Alam ko na!" Tinaas ang hintuturo, kulang na lang may lalabas na light bulb katulad sa mga cartoons at anime. "May isa pang kwarto sa dulo ng mansiyon!" Sabi niya pero sumimangot siya. "Kaso 'yun din ang pinakamalayo sa kwarto ko kaya 'di kita mababantayan ng maigi kung sakaling mang magkaproblema." Sabi niya. Okay na'ko do'n! Atleast 'di siya mang-iistorbo kapag may naisip akong kalokohan. Mwehehehee.
Pagkababa palang ng mga gamit sa kotse, nakailang balik kami ni kuya Xander para ilagay ang nga 'yon sa magiging kwarto ko.
"Bakit brown?" Tanong ko habang inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.
"Eh 'di pinturahan mo." Sabi niya. "Pambili?" Sinamaan lang niya ako ng tingin at nagpamewang. "Tigilan mo ako thalie. Lahat na lang puro hingi sa'kin ng pambili." Sabi niya. Wow naman ha, sino ba nagdala sa'kin dito?
"Tigilan mo rin ako, kuya. Ikaw nagsuggest na dito ako pag-aralin." Sabi ko at ngumisi, nakita kong napagbuntong-hininga si kuya.
"May puting pintura sa baba. Kukunin ko lang." Sabay labas niya sa kwarto ko. Puti? Pwede narin.
Bumalik siya na may dalang pintura at brush. May dala rin siyang mga lumang newspaper para hindi matuluan ang ibang mga gamit. "Tara na, mag pintura na tayo." Aya niya.
"Kuya, labas." Pagtaboy ko, nagtaka naman siya. "Huh?" Tinulak ko siya palabas ng kwarto. Ayoko ng sagabal, juice colored!
"D'yan ka sa labas! Ako na dito! Baka mahawa mga gamit ko sa'yo!" Sabi ko sabay sarado ko ng pinto. "Pero thalie-" Nilakasan ko talaga ang pagsarado para hindi niya ko mabulabog sa gagawin ko. Feeling ko, nainis siya. Edi sorry! Haha!
"Tatawagin na lang kita mamaya kapag kakain na." Rinig kong sabi niya.
"Bahala ka! Sige na, alis! Shu! Shu!" Taboy ko. 'Di ko na namalayan kung anong oras na akong natapos. Puno ako ng pintura at pawis. Dugyot na bata, lokaret.
Ngayon ko lang napansin. Wala palang banyo dito sa kwarto ko. Mukhang makikipagsapalaran ang lola niyo sa labas. Sana 'wag mahuli ng kung sino man! Ayoko pa magkalaaat!
So 'yon, may hawak akong b*a, panty, pajama at tuwalya. Para saan? Maliligo ako kahit gabi! Ang lagkit ko kaya! Pati langaw dinidikitan ako, shemay!
Dahan-dahan akong pumunta sa baba ng mansiyon, naghahanap ng CR. First time ko lang kasi makapunta dito eh, tapos 'di ko pa natanong kay kuya Xander kung ilan ang meron t'saka saan makikita ang mga 'yon.
Mabuti at wala akong nakitang mga taong pagala-gala dito. Kaso nakakatakot naman, para akong nakatira sa isang haunted house, patay-sindi ang mga ilaw at may mga kaluskos na naririnig sa iba't ibang kwarto. Peste ka self, imagination mo lumalawak.
Minsan siniswerte din naman ako.
Nakita ko ang CR malapit sa kusina! Oh 'di ba? Alam ko na kung saan ang mga pagkain makikita.
Mabilis lang akong naligo tapos umakyat agad sa kwarto para magpahinga. Ala sais pa lang naman kaya umidlip muna ako. Sana nga mababait ang mga tenants ni kuya. Pag hindi, patay talaga ako nito.
***
Hello, what's up my lovely friends. How my story? Hope you like it! This is my first story so don't expect that my story will professional. I was beginner to write, but anyway. I just wanting to say, thank you for read this! Hope you enjoy.
Your lovely author,
Michelle Lu