Chapter 1

1668 Words
GWEN'S POV "Pres.,thank you po sa pag-guide sa amin," nakangiting sabi ni Daniel sa akin. "Huwag mo na akong tawaging Pres. dahil ikaw na ang newly elected President ng College of Business," sabi ko rito. Parehas lang kami ng edad pero 3rd year palang ito dahil huminto ito ng isang taon sa pag-aaral. "Actually, idol talaga kita Pres. kasi kahit busy ka sa pagiging leader nagagawa mo pa rin maging dean's lister. Balita ko nga ikaw ay isa sa mga candidate para sa suma c*m laude ngayong taon,"puri nito. "Sana nga. Oh,paano. Mauna na ako, may klase pa kasi ako. Basta kung may kailangan kayo regarding sa tasks huwag kayong mahihiyang lumapit,"nagpaalam na ako rito. I'm Gwyneth Altamarino. Daughter of Jessie Roberto Altamarino, ang nagmamay-ari ng isang sikat na fast food restaurant na kung saan ay may mga branch na sa bawat kabisera. Panganay sa dalawang magkakapatid kung kaya mataas ang inaasahan sa akin ng aking pamilya lalong lalo na si Papa. Palagi nitong sinasabi na kailangan kong magsumikap, I need to be the best among the rest kagaya niya para umangat sa buhay. He always tells me a story noong walang-wala pa sila kaya pilit kong ginagawa ang lahat ng aking makakaya para maging proud siya sa akin. “Hi,Pres.,” bati sa akin ng aking mga kaklase. Nahihiya man ay ngumiti na lang din ako at nagtungo sa pinakadulong bahagi ng classroom. “Thea,psst. Wala pa ba si Ma’am?” Kalabit ko sa aking katabi. “Sabi ng kaibigan kong nasa Marketing, ibang prof na raw ang pumasok kanina. Nag-maternity leave na raw pero huwag ka sabi nila gwapo raw ang bago nating prof.,” tuwang-tuwa na sabi nito. Naagaw nito ang atensyon ng iba naming kaklase dahil sa sinabi nito lalo na ang mga kababaihan. “Parang nakita ko nga siya kanina. Itinuro rin sa akin ng barkada ko sa ibang major, ang gwapo nga. Pumapatol kaya siya sa estudyante?” humahagikgik na sabi ng isa pang katabi ni Thea. Binuksan ko na lang ang aking tablet at nagbasa ng mga comments sa aking mga story. Yes, story… Kwento.. Bukod sa pagiging isang estudyante ay isa rin akong writer pero hindi kagaya ng iba, nagsusulat ako ng mga erotic stories. Hindi ko rin alam bakit nahilig ako sa ganoon, siguro dahil na rin sa imagination ko at sa gusto ng aking mga mambabasa. Minsan ay natatawa na lang ako sa sarili ko kasi NBSB ako at wala akong karanasan pero nagagawa kong magsulat ng bagay na ganoon. Palihim na lang akong nanonood ng rated x para maisulat ko ng maayos ang aking kwento. Hindi naman purong b3d scenes pero may mga pagkakataon talaga na kailangan ang ganoon para maging maganda ang takbo ng aking kwento. Para naman magkaroon ng ika- nga nila ‘spice’. Walang nakakaalam ng pagiging writer ko at itinatago ko iyon dahil alam kong malaking kasiraan iyon sa akin pati na rin sa aking pamilya. More Update po, Ms.A Ang galing mo pong magsulat, nakakapang-init Ilan lang iyan sa mga komento na aking nabasa kaya hindi ko napigilang matawa. Kung alam lang nilang walang experience ang otor nila siguro hindi sila maniwala. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa hanggang sa marinig ko ang biglang pagtahimik ng aming klase dahil sa pagpasok ng isang lalaki. “Ang hot ni sir,” bulong ng katabi kong si Thea sa isa pa naming kaklase. Mabilis kong itinago ang aking tablet at naupo ng maayos saka tumingin sa harapan. Natulala ako dahil sa mala-adonis na nasa aking harapan. Tama nga ang kuro-kuro. Gwapo, hunky at mala-matinee idol ang dating nito. Para itong isang tauhan sa isang nobela. Nobela? Para naman nagkaroon ako ng bagong ideya para sa aking gagawing kwento. “Good afternoon class. I am Kian de Silva, your substitute teacher. Unfortunately, your teacher is on maternity leave, so I will be substituting for her during this time. In my class, I expect all students to be diligent and proactive. It is important that you engage in advanced reading,” seryosong sabi nito. Walang nakapagsalita ni-isa sa aking mga kaklase. Nagsimula na kaagad itong magturo at lahat ay humahanga sa galing nitong magsalita. Maging sa pagpapaliwanag ay klarong -klaro. “By the way, sino ang President ninyo rito?” tanong nito bago matapos ang klase. “Si Gwen po, prof.” turo sa akin ng mga kaklase ko. “Follow me in my office,” seryosong sabi nito saka mabilis na naglakad. Nagmamadali naman akong sumunod dito. Habang naglalakad ay mas napagmasdan ko ang kanyang likod. Broad shoulders. Check. Muscular arms. Check. Well-rounded butt. Check na check. Bagay na bagay siya bilang male leading man ko sa gagawin kong libro. “Ms. Altamarino, why are you smiling?” takang tanong ni Prof. hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng opisina nito dahil naglalakbay na ang utak ko sa magiging eksena ng aking kwento. “Wala po Prof., may naalala lang po ako,” mabilis kong sagot. May ibinigay lang itong hand-outs at ipinaliwanag ang dapat na gawin para maging handa ang aking mga kaklase. Shemay, Mas gwapo pala siya sa malapitan, ang bango-bango pa niya. Pati ang boses plakado.. Hindi ko mapigilang puriin ito sa aking isipan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ito at matandaan ang bawat parte ng kanyang mukha kagaya ng kanyang mala-tsokolateng mata, makakapal na kilay, matangos na ilong at makapal na labi. Pagkarating ko sa bahay ay mas inuna ko pang magsulat ng aking bagong kwento kaysa sa aking assignment. Isinulat ko ang lahat ng aking mga naisip at syempre ako ang female lead ng kwentong ito. Sa bawat araw na lumilipas ay may mga bagong ideya ang pumapasok sa aking isipan gaya ng sa lamesa nito sa kanyang opisina. Ginaya ko ang eksena noong kinausap niya ako pero syempre ginawa ko iyong wild. Isipin pa lang ay natatawa at kinikilig na ako. Tatlong araw pa lang ang lumipas ay nakita kong malaki ang hatak nito sa mga mambabasa kaya itinuloy-tuloy ko na. Mas pinainit ko pa ang bawat eksena na kung minsan ay napapa-scroll pa ako sa x site para lang sa mga kakaibang eksena. Madalas ay nakatitig ako kay Prof. Kian habang nagtuturo rito pero madalas din na hindi ko naiintindihan ang kanyang itinuturo dahil ang aking isip ay naglalakbay na sa mundo ng kahalayan. Mabilis na lumipas ang mga buwan at ang aking kwento tungkol kay Prof ay naging patok at sumikat. Halos isang buwan na lang din ay kailangan na namin mag-OJT. Habang walang klase ay naisipan kong maupo sa pinakadulong bahagi ng classroom na aking paboritong pwesto at nagsulat sa aking kwento. Habang nagsusulat ay ipinatawag ako ng isa sa aking mga professor upang tulungan ang bagong presidente ng University Student Government kung kaya naging abala ako sa mga gawain. “Thank you ulit, Pres.. Pasensya na, hindi ko kasi alam ang gagawin dito, naabala pa tuloy kita,” nahihiyang sabi ni Daniel. “Wala iyon. Paano, mauna na ako. May last subject pa ako,” sagot ko rito. Saktong pagpasok ko sa classroom ay naroon na ang aming professor. “Good afternoon po, Sir. Sorry I’m late,” nahihiyang sabi ko dahil nakatingin na rin sa akin maging ang aking mga kaklase, halos matunaw din ako sa titig ni Sir Kian. Iyon talaga ang pinakaayaw ko, ang maging center of attention. “It’s okay. Ipinaalam ka na ni Prof. Soldao, you may take your seat,” baritonong sagot nito. “Thank you po,sir.” Napayuko na lang ako habang papasok ng classroom. Habang nagkaklase ay kinuha ko ang aking notebook sa bag pero bigla akong kinabahan ng makitang wala roon ang aking tablet. Pinagpawisan ako ng malamig dahil sa isiping may nakabasa noon na ibang tao. Paniguradong magiging laman ako ng mga tsismisan bukas nito. Pagkarinig ko pa lang ng ‘class dismiss’ ay tumakbo na kaagad ako pabalik sa quarter ng university student government. Umaasang doon ko naiwan ang aking tablet pero wala na akong naabutang tao roon at nakasarado na. Sunod kong pinuntahan ang faculty room kung saan ko sinamahan si Daniel pero wala rin daw silang nakita at sunod ko naman pinuntahan ang Dean’s Office. Ito ang huling lugar na aming pinuntahan. Medyo malaki ang opisinang iyon at doon din pansamantalang nag-oopisina si Professor Kian. Kumatok muna ako bago ko pihitin ang seradura ngunit nang mabuksan ko ay walang tao. Nagkasya na lang ako na tumingkayad at mula sa pintuan ay inspeksyunin ang table ni Dean. “Ms. Altamarino.” “Ay! Lalaking nahulog sa lamesa! Prof. kamusta.” Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa labis na pagkagulat nang makita si Professor Kian na nakatayo mula sa aking likod. “What are you doing here? May kailangan ka ba?” Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin. “Wala naman po. May hinahanap lang, nandiyan pa po ba si dean?” nakangiting sabi ko. Pilit na itinatago ang hiya, kaba at takot. “Kanina pa siya umalis, I think it’s before I went to your class. Bakit, may kailangan ka ba?” tanong nito. “Itatanong ko lang po sana kung may naiwan po akong tablet dito. Kulay black po na may case na anime na babae na kalahating gagambang puti at may puting buhok, pink na mata. Baka may nakita po kayo?” mabilis na sabi ko. “Wait, let me check.” Nagtungo ito sa lamesa ni dean at binuksan ang bawat drawer noon. Naks, wala man lang permiso na mangialam ng gamit ni dean. “I’m sorry, Ms. Altamarino pero wala rito ang hinahanap mo. Baka sa ibang lugar mo nawala,” sagot nito. “Ganoon po ba? Mamaya ko na lang hahanapin, may klase pa po ako. Salamat po, Prof. mauna na po ako,” nagmamadaling paalam ko nang makitang papalapit ito sa akin. Heck no, ekis na sa akin ang mapalapit sa kanya. Baka atakihin na ko sa sobrang kaba. Saka na lang ulit ako lalapit kapag nakita ko na ang tablet ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD