Prologue
GWEN'S POV
"Pres., pumunta ka raw sa office ni Sir De Silva bago ka umuwi," sabi nito.
Bago umuwi? Eh, uwian na kaya..
Tsk, ito na nga ang sinasabi ko eh. Pangiti-ngiti kanina tapos may planong ipagawa sa amin. Nagpunta na muna ako sa mga headquarters ng mga association sa bawat colleges kahit sa faculty rooms, school journal quarter ay pinuntahan ko pero bigo akong makita ang aking hinahanap. Kakaunti na lang ang tao sa school ground, sarado na rin ang mga classrooms at balak ko ng umuwi nang makita ang sasakyan ni Sir De Silva na naka-park malapit sa guard house.
"Sh*t, pinapatawag nga pala ako." Patakbo akong bumalik sa College of Business Building. Hingal na hingal ako nang makarating sa pinto ng faculty room.
"Sa faculty room ba 'yun? Ah, mali. Sa dean's office pala ang ginagamit niyang opisina. Lakas naman, may special treatment," bulong ko habang naglalakad paakyat sa second floor kung saan naroroon ang Dean's Office. Tatlong malalakas na katok ang aking ginawa bago pumasok.
"Pinapatawag niyo raw po ako, Prof," tanong ko nang makapasok.
"Close the door," utos nito sa akin habang nakatitig pa rin sa cellphone nito. Wala sa sariling sinunod ko ang utos nito.
"Kanina pa ang end of class niyo, hindi ba Ms. Altamarino? I've been waiting for almost an hour," sabi nito. Ibinaba nito ang hawak nitong cellphone at prenteng sumandal sa upuan at dumikwatro.
"Sorry po, Prof. Nawawala po kasi 'yung gamit ko kaya hinanap ko sa ibang college baka po kasi may nakakita at ibinigay sa kanila," hingi ko ng paumanhin.
"Ito ba ang hinahanap mo?" anito. Inilabas nito mula sa drawer ang aking tablet.
"Yes po, Prof. .Akin po iyan." Akmang kukunin no iyon nang bigla niyang ilayo.
"Not so fast, Ms. Altamarino." He smirked. Napalunok ako sa kanyang sinabi. Kinakabahan dahil sa posibleng nangyari.
"You know, I was curious about what makes you busy. Everytime I saw you, lagi kang nakayuko and doing something on this," anito at ipinakita ang aking tablet.
"Hindi naman ako mahilig mangialam sa buhay ng ibang tao but you're quite intriguing especially when you look at me during our class," makahulugang sabi nito.
"Malamang Sir na titingin ako sa inyo kasi nagtuturo kayo." Napalunok ako at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Really?" Tumayo ito at nagpunta sa pinto saka ini-lock ang pinto.
"You're just listening or you're imagining something, Ms. Altamarino?" Naglakad ito patungo sa akin na may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
"P-Prof., promise n-nakikinig lang ako. Haha, kukunin ko na po iyong tablet ko. Gabi na po, baka wala na ako masakyan," kinakabahan na sagot ko habang marahang napapaatras hanggang sa maramdaman ko ang lamesa sa aking pang-upo. Kinapa ko sa ibabaw ng lamesa ang aking tablet habang nakatingin kay Prof.
"Have you kissed someone before, Ms. Altamarino? How about having s3x?" makahulugang tanong nito.
Dang it! Nabasa niya!
Nanlalaki ang mga mata at parang gusto kong lamunin ng lupa nang mga oras na iyon.
"Pinakialaman niyo ang files ko? Labag iyan sa batas; Republic Act No. 10173, Data Privacy Act of 2012. Alam niyo dapat iyan dahil guro kayo," pilit na pinatatapang ang boses. Nakalapit na ito sa akin at halos hindi ako makahinga ng hawakan niya ako sa baywang at ipaupo sa lamesa. Mabilis ang t***k ng aking puso at hindi alam ang mga susunod na mangyayari.
"It's only natural to open the gadget to find whose the owner but I didn't expect to find more interesting, and it's all about me." Nanindig ang aking balahibo sa kanyang pagbulong sa aking tenga na halos tumatama ang kanyang labi sa puno ng aking tainga.