Sa masayang pagtitipon na naganap ay walang paglagyan sa saya ang bawat pares na ikinasal na sina Ambassador Xander at Tina, Professor Kian at Gwen. Naging matunog ang pangyayaring iyon, nailathala sa mga pahayagan maging sa mga social media sites kung saan ipinakita kung paano sobrang minahal ng mga Dela Cuadra ang kanilang mga asawa. Gentlemen of Dela Cuadra, married their wives thrice. Umami ng paghanga sa madla ang dalawang pares. Kung may mga masaya at humahanga ay mayroon namang tumaas ang kilay dahil sa pagdalo ng mga Solarzano sa magarbong kasalang iyon kabilang na roon ang mismong pinsan ng mga ito na si Reign Aubrielle Dela Cuadra. Ang nag-iisang babae sa kanilang henerasyon. “Kuya Jasper, why did you invite them? Everyone knows what happened between the Solarzanos and our

