PROFESSOR KIAN'S POV Parang dinudurog ang aking puso nang makita ko siyang nakahiga sa hospital ngunit mas lalo pa akong nasasaktan nang makita itong patuloy lamang sa pag-iyak kahit pa nakalabas na ito at sa bahay na nagpapagaling. Sinubukan ko siyang kausapin ngunit hindi ito nagsasalita, kahit na ang kanyang mga magulang ay hindi nito kinakausap. Nakakulong sa kwarto, madalas na kinakandado at halos hindi ito kumakain. Hindi ko mapigilang mag-alala. "Hayaan na muna natin siya, Jasper," sabi lang ng ama nito. Kahit hindi ko gusto ay sumunod ako sa nais ng kanyang ama, pilit kong ibinabaling ang aking atensyon sa trabaho upang mabawasan ang aking tensyon pero hindi ko magawa kung kaya itinutok ko na muna ang aking buong atensyon sa paghahanap ng may kagagawan ng lahat ng ito. Mahigit

