GWEN’S POV Nakahinga ako ng maluwag dahil kahit na pilit kong hindi pinapansin si Professor Kian ay hindi pa rin nito ipinagkakalat ang aking sekreto lalo na ang magsumbong sa dean. Kung tutuusin ay pwedeng- pwede niya iyon gawin pero hindi niya ginawa. Nakakairita lalo na kapag tumititig ito sa akin dahil pakiramdam ko ay nahuhubaran ako sa tingin pa lang nito at nakikita nito hanggang kaluluwa ko. Sa mga klase niya ay hindi ako lumalapit sa kanya, kapag nakakasalubong ko siya ay hindi ko rin binabati hindi gaya ng ibang guro na ngingitian ko pa at halos i-block ko na rin ang kanyang number sa dami ng missed calls nito at text. Minsan pa nga ay tumatawag ito kahit oras ng klase. Pinapatawag niya pa rin ako pero hindi na gaya ng dati na pumupunta ako roon mag-isa. Nagsasama na ako ng kak

