GWEN’S POV Naging mas malambing si Professor sa akin nang gabing iyon. Hindi niya ako kinulit na magsiping kami at sa halip ay nakayakap lang ito sa akin habang sinusuklay ang aking mahabang buhok gamit ang kanyang mga daliri. “I hate it when another man approaches you, especially Daniel. I want to strangle his neck every time I see him.” “Tumigil ka na, okay na, eh. Ayan ka na naman.” saway ko rito. “But honestly, I want you to stay away from him,” sabi pa nito. “Matulog na tayo, ang likot ng utak mo. Napapapraning ka na,” “You’re right. I am paranoid ‘cause I am madly in love with you,” seryosong sabi nito. “Corny, tulog na tayo,” tangi ko lang nasabi pero deep inside ay sobra akong kinikilig sa kanyang sinabi. Nagising ako kinabukasan na may mga petals na nakakalat sa palig

