PROFESSOR KIAN’S POV Sari-saring emosyon ang aking nararamdaman sa nakalipas na maikling panahon lang. Kanina ay halos gusto ko ng mag-teleport para makarating kaagad upang makausap ko na kaagad si Gwen. She's been on my mind since our last conversation kung kaya ginawa ko ang lahat para matapos ang mga trabaho ko sa maikling panahon pero hindi ko inaasahan ang aking maabutan. Gusto kong sabihin at ipagsigawan sa loob ng restaurant na iyon na ako ang asawa niya at gustong gusto ko siyang lapitan para yakapin at halikan dahil sa labis na pagka-miss ko sa kanya pero napalitan kaagad ng matinding selos ang aking nararamdaman nang nakita ko kung paano hawakan ng ibang lalaki ang asawa ko. Hindi lang tatlong beses dumapo ang kanyang palad sa katawan ni Gwen kanina pero ang lahat ng selos a

