GWEN'S POV Habang papalapit ang mga yabag ay siya naman ang paglakas ng kalabog ng aking puso. Mula sa gilid ay tumakbo ako papunta teacher's table at doon ko isiniksik ang aking sarili. "What are you doing?" inis na tanong ko nang buksan nitong muli ang ilaw kaya napalabas akong muli mula sa aking pagtatago. Tila ba nang-iinis naman itong nakatingin sa akin habang nakangiti. Lalapitan ko sana ito nang buksan nito ang pinto, mas narinig ko ang papalakas na yabag hudyat na malapit na ito kaya agad akong bumalik mula sa aking pinagtataguan. Ano bang ginagawa niya? Gusto niya ba kaming mahuli? Malaking eskandalo ito kapag may nakaalam. Kakainis talaga! "Good evening, Sir," "Good evening din, Kuya Pablo," ring kong bati nila sa isa't isa. "Gabi na po, Sir. Hindi pa po ba kayo uuwi?"

