GWEN’S POV Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa aming classroom upang naghintay ng aming susunod na subject. Tahimik lang ako at gaya ng dati ay sa pinakadulo ako pumwesto. Habang wala pang guro ay naisip kong magbasa ng mga comments sa aking nobela. Nakakataba ng puso at gumagaan ang aking pakiramdam kapag nakakabasa ako ng magagandang feedback, mas lalo akong ginaganahan magsulat. Bukod sa feedbacks, marami ring nagbibigay ng regalo bilang suporta. “Silent Knight, Midnight Watcher? Sino kaya siya rito?” bulong ko sa aking sarili nang mabasa ang dalawang pangalang madalas na laman ng comment section ko. Sila rin ang may pinamalaking nagbibigay sa akin ng regalo sa aking libro. Pakiramdam ko talaga, isa sa kanila si Professor. Hindi ko lang talaga matukoy kung sino. “Hiramin ko

