PROFESSOR KIAN'S POV Habang nasa sasakyan ay mabilis ang kabog ng aking dibdib. Pagkatapos ng insidente na kung saan muntik na manganib ang buhay ni Gwen, sinabi ng doktor na nasa isa’t kalahating pulgada rin ang naging sugat ni Gwen sa kanyang leeg mabuti na lamang ay walang tinamaang ugat kaya ako labis na nag-aalala. Hindi pa ganoon kagaling ang kanyang sugat at nasa gitna pa lang ng paghilom, alam ko na sobra siyang nasaktan sa nangyari. Ang bagay na kinakatakutan nito ay tuluyan ng lumabas sa publiko. Pagkarating ko sa hospital ay nadatnan ko na nasa labas ng kwarto si Daniel Sandoval. Napataas ang aking kilay dahil sa dami ng pwedeng sumagip kay Gwen ay si Sandoval na naman ang nagdala kay Gwen sa Hospital. Biglang pumasok sa aking isip na posibleng ito ang nagpakalat ng tungkol

