GWEN’S POV “P*tangina mo!” kasabay ng isang malakas na sigaw ay siya namang pagtilapon ng lalaking nasa aking ibabaw. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, pilit na inaaninag at kinikilala ang lalaking nagligtas sa akin. Wala itong tigil sa pagsuntok sa lalaking nanakit at halos lumapastangan sa aking katawan. “Daniel,” hirap man magsalita ay mahina ko itong tinawag nang tuluyan ko itong makilala. Napalingon ito sa akin. Nagpakawala ito ng isang malakas na suntok na parang ibinuhos nito ang lahat ng kanyang natitirang lakas dahilan upang tila mawalan ng malay ang masamang lalaki. Iniwanan nito ang lalaki na duguan ang mukha at parang natutulog dahil sa mga tinamong suntok mula kay Daniel. Kasabay ng paglapit nito sa akin ay ang paglapit ng magkasintahang napadaan lamang. “T

