GWEN'S POV Gulo ang utak ko matapos ang naging engkwentro namin ni Steph. Hindi mawala sa aking isip ang sinabi nito. Possible kaya na may relasyon sila? Nagkulang ba ako? Pagdating ko sa bahay ay nagluto lang ako ng pagkain, kumain at saka pumunta ng kwarto. Hindi ko na hinintay si Professor gaya ng nakasanayan na sabay kaming kumain. Nagpanggap akong tulog nang dumating ito ng bahay, pasado alas-otso na ng gabi. Naramdaman ko ang lundo ng kama sabay ng paghalik nito sa aking pisngi. Kung dati ay sabik ako sa kanyang mga labi, ngayon ay parang gusto kong punasan ang aking pisngi. Sari-saring ideya ang pumasok sa aking isip. Na baka magkasama silang dalawa ni Steph bago umuwi. Nang sumunod na araw ay nagpanggap naman akong masama ang pakiramdam nang mag-aya ito na may mangyari

