PROFESSOR KIAN'S POV I can't help but hug her tight the moment that I saw her angelic face. I really missed her so much. Dalawang araw… Dalawang araw akong nagtiis para lang maghintay upang makausap ito. Bago ako tumuloy patungong Singapore, nararamdaman ko na ang kakaibang kinikilos nito. Sa una, akala ko ay pagod lang ito sa trabaho kaya inutusan ko si Evelyn na bawasan ang trabaho nito. Inutusan ko rin ito at ang aking sekretarya na hayaang makapasok sa aking opisina si Gwen kung sakaling gusto nitong magpahinga, pero nang lumipas ang ilang araw at hindi ito nagbago ay nagtanong na ako kay Evelyn kung ano ang nangyayari sa loob ng kompanya. That's when I heard about the rumors against my wife. Nakarating sa akin na may mga empleyadong may mga sinasabing masama laban kay Gwen

