GWEN’S POV Ilang oras na lang ay start na ng Baccalaureate Party, dahil wala akong balak na dumalo ay nanatili na lang ako sa bahay. Nagkulong ako sa kwarto, nagbasa ng libro o di kaya ay nagsulat sa aking kwento. Kung tutuusin ay maganda na ang naging takbo ng kwento at marami ang natutuwa kaya lang, sa bawat libro ay dapat may conflict o may problema. Kumbaga sa totoong buhay, hindi lahat puro sarap. Darating din ang panahon ng taghirap. Hindi ko nga alam kung may mahika ba ang aking mga kathang isinisulat dahil sa bawat pagsusulat ko ay may mga bagay na nagkakatotoo. Napahinga ako ng malalim habang inaalala ang lahat. Nag-umpisa lang ang lahat nang maging guro ko si Professor Kian. Wala naman talaga akong gusto sa kanya noong una pero dahil napakalakas ng kanyang dating ay nagkar

