Nang makalipas ang ilang buwan ay iniwan na ako doon ni Juanito. Ang sabi niya ay may naiwan siyang trabaho sa maynila. Naiwan ako kasama ng kan'yang ama't ina pati na ang dalawa niyang kapatid. Silang lahat ay tinutulungan ako sa tuwing may sakit ako hanggang sa aking panganganak. Nakasanayan ko na din ang pamumuhay dito. "Napakaguwapo ng iyong anak, Tatiana! Ang tangos ng ilong. Parang anak ire ng porener ah!" Wika ng kapitbahay naming si Aling Fe. "Aba'y, oo nga ano!" sang-ayon din ni Milagros na aking kasama lagi sa palengke. "Siguro ay mayaman kayo, Tatiana! Tingnan mo naman ang balat mo, napakaputi mo at napakakinis!" wika ni Winona na kasa-kasama ko din sa palengke. "Tila isa kang modelo sa iyong tindig. Kaya yung mga kalalakihan dito sa ating baryo ay nagkakanda haba ang leeg k

