Chapter 45

1760 Words

Third person Pov: Madaling araw pa lang ay nagising na si Rina, kaya naman maaga din siyang nagluto ng kanilang agahan. Pagkatapos maihain ang mga niluto ay nagpasya siyang magwalis muna sa labas. Madilim pa rin sa labas at ni walang taong dumadaan. Tanging tunog lamang ng mga kuliglig ang maririnig. Ngunit sa paglabas niyang iyon ay may nakaabang na palang panganib. Habang nagwawalis ay may isang lalake ang dahan-dahang naglakad mula sa kan'yang likuran. Agad nitong tinakpan ng panyo ang bibig ni Rina, nagpupumiglas pa si Rina ngunit kalaunan ay nawalan din ito ng malay. At nang mawalan ito ng malay ay agad itong isinakay sa lumang sasakyan. Tinalian niya ang dalawang kamay ni Rina pati na ang kan'yang dalawang paa upang hindi ito makatakas sakaling magising. "Dala ko na ang babae,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD