Chapter 48

1505 Words

Karina's Pov: "Halika na! Ano pang hinihintay mo d'yan? Ang hina mo naman eh! Para 'yan lang!" Sambit ng singkit na lalake sa akin. "Huwag ka nang matakot, kaya mo yan!" Dagdag pa niya. Inilahad niya ang kan'yang kamay at masuyo akong tiningnan na tila sinasabi ng kan'yang mata na ayos lang ang lahat. Ipinatong ko ang aking kamay sa palad niyang nakalahad. Unti-unti siyang naglakad papasok sa isang sakayan na mala-roller coaster. Napakros ako sa aking dibdib. Kinakabahan ako ng sobra! Sa hitsura pa lang ng aming sasakyan ay tila mahuhulog na aking puso doon. "Huwag kang mag-alala, andito lang ako sa tabi mo." Sabay ngiti niya sa akin. Gunggong ba siya? Sobra naman makangiti ng pagkatamis-tamis itong bruhong 'to! Para naman may magagawa 'yung pagngiti niya. Nakakatakot kayang sumakay!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD