Sakto namang paglabas ni Noah ay kaagad pumasok ang dalawa kong kaibigang, Si Abby at Remualdo. "Hoy bakla! Buti naman at gising ka na!" pambungad na sambit ni Remualdo sa akin. Napa o lang ang aking bibig sa gulat na pagdating nilang dalawa. Natutuwa ako na nandito sila ngayon. Ang mga kaibigan kong tunay. Ibinuka ko ang aking dalawang kamay, senyales na gusto ko silang mayakap. At ganoon nga ang ginawa nila. Miss na miss ko sila ng sobra. Kaya naman hindi ko din napigilan na akapin sila ng mahigpit. "Ilang beses kaming pabalik-balik dito. Ilang beses kaming nagku-kwento ng kahit ano para lang magising ka! Letse! Sana pala noong unang araw pa lamang na na-comatose ka, pinauwi na agad namin si Harvey!" sambit ni Abby. "True! sana pala ay isinako na agad natin 'yung lalakeng iyon para

