Noah's Pov: Kahit abala ako at marami akong ginagawa, iniisip ko parin ang kalagayan ng wifey ko. Isang himala ang magising siya na parang hindi siya na-comatose. Mabuti na lang at ang bilis ng recovery niya. Siguro nga ay dahil na rin iyon sa araw-araw na paghilot sa buong katawan niya. Hindi ko hinahayaan na nakahiga lamang siya. Palagi ko siyang pinapaupo. Kumuha rin ako ng personal na maghihilot at therapist para sa kan'yang buong katawan niya. At siguro dahil na rin sa aming pagdadasal kaya siguro mas lalong gumanda ang katawan niya. Kahit kasi nakahiga siya, gumaganda na ang kulay ng kan'yang balat at labi. Matapos ang aking operasyon ay pagod na pagod ako kaya nagtungo agad ako ss aking opisina. Dere-deretso ako sa aking opisina upang makapagpahinga na. Kauupo ko pa lamang sa ak

