Noah's Pov: Nang makaalis ang aming mga bisita ay kaagad kaming umakyat sa kwarto ng aking mag-iina. "Shower na ikaw, baby!" malambing na wika ng aking asawa sa aming anak. Pinapanood ko lamang ang aking mag-ina habang sila ay naghahagikgikan sa loob ng banyo ng aking anak. Nang magsawa sa kakatingin ay natungo ako sa kama ng aking anak at umupo upang doon na lamang mag-antay sa kanilang dalawa. "I've always dreamed of this po, mommy!" Narinig kong salita ng aking anak sa kan'yang mommy. Sa wakas ay nararanasan niya na ulit ang mapaliguan ng kan'yang ina. "Hindi ko po kasi natatandaan 'yung dating pinapaliguan mo 'ko, mommy," dagdag pa niya na tila may lungkot ang boses. "Mommy, will always do this na... hmm..." malambing na tugon ng aking butihing asawa na ikinangiti ko. Tila na

