Nagulat man si tita Soledad sa mga kalat namin sa casita. Tila natuwa naman siya nang makita kami ni Noah na magkayakap. Alam kong sa una pa lang ay boto na siya sa amin ni Noah kaya siguro nang makita niya kami na magkayakap ay ngumiti pa ito ng pagkatamis-tamis sa amin. "Sila na nga po, tita! Tama po ang nakikita n'yo!" pambasag sa katahimikan ni Remualdo. "Naku, tita! kung alam niyo lang para kaming nanood ng drama dito kaninia," panunudyo pa ni Remualdo sa amin. Tinampal naman ni Abby ang bibig ni Remualdo. "Siraulo ka talagang, pakialamero ka! Ang daldal-daldal mo talagang lalake ka!" sita sa kan'ya ni Abby. "Paano kung bigla na lang magwala 'yan si tita at biglang paghiwalayin ang dalawa. Tapos in-offeran si Rina ng million para lang layuan si Noah? naku, kawawa naman ang kaibig

