Karina's Pov: Matapos ang pananghalian ay nagpahatid lamang ako sa Casita namin at nagpahinga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Tila magkakasakit ako kaya itinulog ko na lamang ito. Si Noah naman ay tumabi lamang sa akin. Hindi ko na namalayan na malapit na pa lang maggabi. Napasarap ang aking tulog. Aaminin ko na gumanda ang pakiramdam ko. Saktong pagbaba ko ay naroon na sila Abby at Eleanor sa sala na pabulong na nag-uusap. Akala siguro nila ay tulog pa ako ay mahinang-mahina sila kung maghagikgikan. "Mabuti naman at gising na ang prinsesa! Abay, panay saway sa amin dito ni Noah, ah!" reklamo ni Abby. Inimbitahan kami ng kapatid ni Noah na si Eleanor sa kan'yang silid. Sabi niya ay may party daw mamaya at ang kailangan isuot namin ay formal. Tamang-tama naman daw dahil maram

