Karina's Pov: Nasilaw ako sa sobrang liwanag nang aking imulat ang aking mga mata. Tila nasa isang silid ako ng isang ospital. Ang huli kong natatandaan ay iyong nagtatalo kami ni Harvey sa parke. Luminga ako sa paligid ngunit walang ibang tao. Napansin ko naman ang isang gitara sa isang sulok na nakasandal. Kanino kaya iyon? Luminga pa ako sa kaliwa at kanan. Tanging ang kamukha lamang ni Harvey ang aking nakikita, matandang bersyon nga lamang siya. Hinawakan niya ang aking kamay at masuyo nitong tinanong kung maayos ba ang pakiramdam ko at kung may gusto akong kainin. Tanging pag-iling lang ang aking nasagot. "Gusto mo bang maupo?" tanong niya na ikinatungo ko ng bahagya. Nangangalay ako sa paghiga, pakiramdam ko ay nangangalay na aking buong katawan sa paghiga. Gusto ko naman ng iba

