Nang makarating ako ng aking silid ay doon na ako bumigay, napaluhod at napaiyak ng sobra-sobra. Hindi maalis sa aking isipan kung saan ba ako nagkulang at kung bakit niya ginawa sa akin ang ganoong bagay. Akala ko ay ako lang, akala ko kuntento na siya sa akin ngunit akala ko lang pala. Mapait akong napatawa. "Bakit naman ganoon?" Tanong ko sa kung sino man ang nagbalik sa akin sa mundong ito. "Mas lalong masakit pala iyong nasaksihan ko, sana pala nanatili na lang ako doon. At sana hindi na ako naghangad pa na muling makasama siya! Talaga nga naman lahat ng bagay ay may kapalit," mapait kong wika sa sarili. Naninikip ang aking dibdib ss isiping iyon. Pakiramdam ko ay pinipiga ang aking puso. Hinang-hina at hindi makahinga. Naghahalo na rin ang aking sipon at mga luha. Humiga ako sa

