Karina's Pov: Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay tila biglang sumabog ang kaba na aking nararamdam. Hindi dahil sa takot, pakiramdam ko ay ito ang magdadala sa mga tanong sa aking mga panaginip. Iginala ko ang aking paningin, dumako iyon sa hagdan na bato. Kahit may amnesia ako at hindi ko naaalala ang maraming bagay, itong mansion ang hindi nawala sa aking ala-ala. May mga parte ako na hindi ko nalilimutan at biglang nagpa-flash sa akin sa tuwing makikita ko ang parteng bahagi ng mansion, katulad na lang nitong batong hagdan. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon. Bawat hakbang ko ay lumalakas ang t***k ng puso ko. Parang maiiyak na ako sa bawat hakbang ko. Nang maka-akyat ay tumambad sa akin ang isang mahabang pasilyo. Dahan-dahan at palinga-linga ako sa paligid habang inisa-i

