Karina's Pov: Habang nakahiga ay naisip ko ang napagusapan namin ni lola Estrella. Talagang napakaswerte ko kahit na ilang beses nalagay sa bingit ng kamatayan ang aking buhay. Kahit na nasawi ang aking unang pag-ibig ay nakatagpo naman ako ng wagas na pag-ibig at bukod pa doon ay nakuha kong mailigtas si Harvey. Dumako ang aking mata sa mahimbing na natutulog kong asawa. Sobrang laki ng aking pasasalamat at siya'y aking nakilala. Ang bumuo ng aking malungkot na buhay. Inilapit ko ang aking mukha sa kan'ya at marahang dinampian siya ng halik sa labi. "I love you," Bulong ko sa kan'ya. "Kahit siguro ulitin ang ating buhay ay ikaw at ikaw parin ang aking pipiliin at gugustihing makasama," Mahina kong sambit. Nagulat ako nang magmulat siya at mabilis na dinampian ang aking labi. "Ang

